Mindanao Lupa Nga Ba Ng Pangako

Jose Angelito Angeles, Ana Pauleine Cruz, Daphne Ignacio, Gretzhel Saligbon

 

RESEARCH PAPERS

PANIMULA

Daphne Ignacio

 

Mindanao-- isa sa tatlong malalaking isla ng Pilipinas. May tatlong[1] karaniwang pagsasalarawan sa Mindanao na nakatatak sa isipan ng mga tao, lalo na sa mga taga-Luzon. Ang una ay, ito ang "lupain ng pangako". Ito ang lugar kung saan ang mga pangarap ng mga mahihirap ay magkakaroon ng katuparan. Ang mga dahilan sa pagpunta sa Mindanao noong araw, ay halos katulad rin sa mga dahilan ng mga kababayan nating nagtatrabaho ngayon sa ibang bansa. Ito ay upang magkaroon ng mas maginhawa at magandang buhay.

            Ang gobyerno ay may mahalagang papel na ginampanan kung bakit nabuo sa isipan ng mga tao ang ganitong ideya. Pinamamalita na sa Mindanao, maraming lupang pwedeng sakahin. Ang mga lupaing ito raw ay matataba at makapagbibigay ng malaking ani ng mga pananim. Madali rin lang daw ang proseso para magkaroon ng kaukulang papeles upang ligal na magiging kanila na ang lupa. Marami rin daw ang mga mineral na deposito sa mga kabundukan. Ang mga ito ay pwedeng minahin upang maibenta at ng magkapera. Ilan sa mga mineral na ito ay ang ginto at ore. Ang mga kagubatan ng Mindanao ay masagana rin sa mga likas na kayaman. Ang mga halaman at hayop ay pwedeng maibenta sa matataas na halaga. Mayaman ang kagubatan sa punong pwedeng gawing tabla at mga kasangkapan sa paggawa ng mga bahay, gusali at importante rin sa iba't-ibang bahaging at klase ng industriya sa loob at labas ng bansa. Ang mga katubigan ay masagana rin sa yamang-dagat. Samakatuwid, ang pagsasalarawan ng Mindanao ay parang isang paraiso. Isang lugar kung saan halos imposibleng makaranas ng kagutuman.

            Ang pangalawang karaniwan na pagsasalarawan ng Mindanao ay bilang isang napakagulong lugar. Naalala ko (DDI) noong una akong pumasok sa klase ko at tinanong ako ng kaklase ko kung saan ako galing. Sabi ko, “taga-Kidapawan, Cotabato ako.” Ang sabi

niya, "hindi ba sa Mindanao yun?" Sabi ko, “Oo”. Tumawa siya. Sabay sabing, “Buti naman buhay ka pa.” Itong reaksyon niya ay batay sa mga balitang nakakarating dito sa Maynila patungkol sa Mindanao. Kapag may gulo doon, tiyak makakaabot ang balita dito. Bihira lang naman napapabalita ang mga magagandang bagay doon noong araw. Sa ngayon ay nariyan ang mga balita tulad ng "Kadayawan Festival" sa Davao at ang "Fruit Festival (Indakan sa Kadalanan)" sa Kidapawan.

            Noong panahong isa pang frontier ang Mindanao, kasabay ng pagdami ng mga taong galing sa iba't-ibang bahagi nng Pilipinas sa isla doon ay ang pagkakaroon ng tensyon sa pagitan ng nila at ng mga dati ng taga-roon. Ang mga katutubong mga tribo at mga Muslim, sa palagay nila, ay inaagawan sila ng karapatan sa lupang pagmamay-ari na ng kani-kanilang mga ninuno. Ang karamihan sa mga pagbabagong ipinapatupad sa lugar ay nakakagulo sa uri ng kanilang pamumuhay. Madalas ay hindi man lamang sila kinukonsulta tungkol sa pagpapatupad ng mga proyekto. At hindi lamang minsan, na ang mga pagbabagong ito ay kinukonsiderang nakapaglapastangan sa kanilang mga tradisyon. Sa mga pagkakataon naman na sila ay kinakausap, sila ay pinapangakuan ng kung anu-anong mga bagay. Ilan sa mga ito ay ang pangakong edukasyon para sa kabataan, trabaho sa mga tao at maging ang kaunlaran sa uri ng pamumuhay. Ang problema ay hindi naman talaga ito nabibigyang katuparan.

            Sa pagdating din ng mga tagalabas na ito, biglang ipinadama sa mga katutubo at Muslim na ang kanilang antas ng kamalayan at pamumuhay ay napakaprimitibo. Dahilan upang magtanim ng magalit ang mga ito sa mga bagong salta. Ang diskriminasyon ay lalo pang tumindi sa paglipas ng panahon. Ito ay kabilang sa mga dahilan kung bakit nabuo ang maraming mga militanteng grupo. Ilan sa mga nabuong grupo noong panahon ng administrasyon ni dating pangulong Marcos ay aktibo pa rin ngayon.

            Ang isla ring rito ay sinasabing land of the unknown sa loob ng matagal na panahon. Ito ay dahil wala pa masyadong naisusulat patungkol sa kasaysayan ng lugar na ito. Ang mga balita ukol sa iba’t-ibang aspeto ng Mindanao ay kakaunti rin.

            Si Eduardo Tadem sa kanyang papel na "The political economy of Mindanao: an overview,"[2] ay inilarawan ang Mindanao bilang isang lugar kung saan may malaking papel na ginagampanan at isang mahalagang bahagi sa kakayahang pamproduksyon ng bansa. Ang problema nga lamang daw ay sa pagpapaunlad ng Mindanao. Ito ay may mga katangian ng ekslusibong pagkontrol ng iilang makapangyarihang uri. Karamihan pa sa mga ito ay mga dayuhan. Ilan sa mga kompanya na kanyang tinutukoy ang ay Nasipit Lumber, Goodyear, Firestone at Sime Darby. Sila ay ilan sa mga kahanay ng mga kompanyang nakatuon sa industriya ng goma. Ang naging epekto tuloy sa mga residente dito ay kasalatan sa gitna ng kasaganaan.

            Ang mga ilan sa mga industriyang matatagpuan sa Mindanao ay ang mga sumusunod. Ang industriya ng niyog. Ang isa sa napakahalagang produkto ng niyog ay ang kopra. ito ang isa sa ipinagbibili sa pandaigdigang pamilihan.

            Ang industriya ng mga kahoy ay malakas din sa islang ito. Ang pagbibenta ng mga prutas sa labas ng bansa ay isa ring pinagkukunan ng pera ng pamahalaan at ng mga malalaking korporasyon na lahos lahat ng mga namumuhunan ay mga dayuhan. Ang industriya ng tuna at iba pang isda tulad ng matatagpuan sa General Santos City ay hanggang sa ngayon ay nagpapatuloy. Nariyan rin ang industriya sa goma, pagmimina ng mga mineral, at ang paggagawa ng semento.

Sa papel na ito ay susuriin kung ang Mindanao nga ba ay lupain ng pangako o lupain kung saan ang mga pangako ay hindi na bigyang katuparan. Sa pagsusuri namin, una naming titingnan ang kasaysayan ng Mindanao bilang bahagi ng Pilipinas. Titingnan din kung kailan ito isang frontier at kailan ang komposisyon ng populasyon ay naging mas dominanteng[amz1]  Krsitiyano na at hindi na Muslim.

            Iisa-isahan rin namin ang pagbibigay detalye sa mga natural na yamanan ng Mindanao. Susuriin kung sino ang may hawak ng kontrol ng mga ito sa ngayon at kung paano ito nangyari. Kasabay sa pagtalakay ang pagbanggit ng ilang mga pangkalikasang at pangkalusugang mga usapin.

Sisiyasatin din kung kailan lumitaw ang iba't-ibang rebelde at teroristang grupo tulad ng Moro National Liberation Front, Moro Islamic Liberation Front, Communist Party of the Philippines-New People’s Army, Abu Sayyaf at Jemaah Islamiah lumitaw. Kasama sa diskusyon ang mga dahilan kung bakit sila nabuo at gayunin din kung paano nila naaapektuhan ang takbo ng buhay ng mga residente doon.

            Sa mas malaking bahagi ng papel, ang tatalakayin namin ay ang mga naging popular na program ng gobyerno para sa Mindanao. Ang talakayan ay magsisimula sa administrasyon ng dating pangulong Ferdinand Marcos hanggang sa kasalukuyang administrasyon ni pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Sa administrasyon ni Marcos ang bibigyang pansin ay ang Tripoli Agreement. Sa aministrasyon ni dating pangulong Corazon Aquino ay ang pagbubuo ng Autonomus Region for Muslim Mindanao (ARMM). Sa administrasyon ni dating pangulong Fidel Ramos ay ang SPCPD-ZOPAN. Sa maiksing panahon ng administrasyon ni dating pangulong Joseph Estrada ang titingnan ay ang programa niyang Food Basket. Sa kasalukuyang administrasyon naman ay ang EAGA.

            Sa pagtatapos ng paglalahad ng detalye sa mga nauna ng nabanggit ay ibibigay namin ang aming opinyon bilang sagot sa tanong na sinasagot ng papel na ito.

            Ang Mindanao ay may mahabang kasaysayan ng pakikibaka. Noong panahon ng kolonisasyon, ang mga kalaban ng mga tao rito, na karamihan ay Muslim, ay ang mga Kastila, Amerikano at Hapon. Sa panahong nagkaroon ng sariling gobyerno ang ating bansa, ang kanilang kinakalaban naman ay kung sino man ang nasa katungkulan.

            Bago mabuo ang ARMM, ang Mindanao ay nahahati sa apat na rehiyon. Ito ay ang rehiyon IX (kanlurang Mindanao) na kinabibilangan ng Sulu, Basilan at Tawi-Tawi sa unang sub-rehiyon. Sa ikalawang sub-rehiyon naman ay nabibilang ang Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte. Sa region X (hilagang Mindanao), ang mga kabilang dito ay ang Misamis Occidental, Misamis Oriental, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Bukidnon at Surigao del Norte. Sa rehiyon XI, kabilang dito ang Surigao del Sur, Davao del Norte, Davao del Sur at South Cotabato. Sa rehiyon XII (gitnang Mindanao) kabilang dito ang North Cotabato, Maguindanao, Sultan Kudarat, Lanao del Norte at Lanao del Sur

 

LUPAIN NG KAYAMANAN

Ana Pauleine L. Cruz

 

“Mindanao is endowed with almost perfect agro- climactic conditions; it has a strong market share for key products and it has a skilled workforce; it’s geographical location is very strategic; and it has large firms with established marketing infrastructure.”--Philippine Regional Profiles: Mindanao

 

      Halos perpekto ang pagkakalarawan sa Mindanao ng librong nabanggit. Kung susuriing mabuti, totoo nga naman na nabiyayaan ang islang ito ng hindi mabilang na mga pinagkukunang yaman. Naroon na halos lahat ang biyaya nbg kalikasan, mapa anyong lupa o anyong tubig man. Sa katunayan, tinawag na  “The Land of Promise” ang Mindanao dahil dito. Larawan na ng mga malalawak na sakahan, taniman at kagubatan ang luagar na ito. Hindi rin magpapatalo ang mga yamang dagat nito. Naging mabuti sa Mindanao ang regular na pagpatak ng ulan dito at ang paglihis ng mga bagyo.

 

      Naikabit na rin sa pangalan ng Mindanao ang pag- aangkat ng produkto. Ang mayorya ng produktong iniluluwas ay mga produktong agricultural gaya ng pinya at saging. Samantala, 30 bahagdan ng mga ani  ng agrikulturang pambansa ay galing sa Mindanao. Kasama sa mga aning ito ay ang mais, niyog, saging, pinya, kape, goma, kamatis, cassava, at tuna.[3]

 

      Sa kasalukuyan, 700, 000 ektarya ang napagtataniman ng palay subalit tinatayang 1.5 milyong ektarya ng lupa ang pwede pang pagtaniman nito. Dito, ang isang ektarya ay nakapagtutustos mng  3.4 hanggang 5 metric tons ng bigas. Ang ganitong dami ng bigas ay sapat na para punuan ang kaulangan ng bigas sa bansa.[4] 

 

      Ang goma ay isa rin sa pangunahing produkto sa Mindanao. Dito kumukuha ng hilaw na kalakal ang Firestone, isa sa malalaking kompanya na gumagawa ng gulong ng mga sasakyan. Mayroong 80, 000 ektarya ng lupa ang pinagtataniman ng goma. Ang matinding pangangailangan sa goma ay maiuugat  sa pagdami ng mga planta ng pagawaan ng kotse o sasakyan sa Asya. Sa 5, 000 ektarya ng lupa, ang isang kapitalista ng goma ay kailangang maglaan ng US$ 12. 5 milyon.

 

      Hindi gaanong kalakas ang industriya ng niyog ngayon. Karamihan kasi ng mga puno ng niyog sa Mindanao ay mga matatanda na at hindi na nagbubunga. Dagdag pa dito, ang pagpapalit- palit ng  presyo  ng niyog ay nakakaapekto rin sa industriya. Ngunit, ang indusrtriya ng prutas, lalo na ng pinya at saging, ay lumalakas at sumasali na sa mga “multinational agribusiness companies”. Dahil dito, nakilala ang Mindanao bilang isa sa mga “fruit baskets” ng Asya. Ang solo papaya, durian, magosteen, rambutan, longan, at melon ay inaasahang susunod sa mga yapak ng pinya’t saging bilang mabentang prutas na iniaangkat. Sa loob ng tatlong dekada, ang Mindanao ang tagatustos ng saging sa Gitnang Silangan at ng pinya sa Japan.

 

      Nasa Mindanao din ang Tropifresh, isang kompanya ng gulay na nagpasimuno sa “asparagus craze”. Ang Tropifresh ay kasamahan ng Dole Philippines Inc.. Ito ay matatagpuan sa South Cotabato. Narito din ang Marsman- Drysdale, ang kompanyang nag- aangkat ng gulay gaya ng tomato paste, soybean at putting patatas sa Japan. Ang tomato paste ay pangunahing produkto ng Bukidnon Resources Corporation na nagbabalak na magtaas ng produksiyon ng vegetable soybean at puting patatas para sa mga MNCs at sa mga “fastfood chains”.

 

      Ang mga kompanyang San Miguel, Swift Foods, Vitarich, Nenita Farms, at CDO ay nagsipagpatayo ng  mga planta at katayan sa Mindanao sapagkat nakita ng mga ito ang kakayahan ng Mindanao na magtustos ng “corn feeds”, manok at karne.

 

      Sapagkat malawak ang sakop na baybayin ng Mindanao, masagana ang produksiyong pandagat nito.  Ang pagpaparami sa bangus at sugpo  ay matatagpuan sa Saranggani, Panguil, Bay, at Zamboanga del Sur. Ang pagpaparami naman ng tilapia ay malawakan sa Lake Sebu. Ang Sulu at Tawi- tawi naman ay tahanan sa mga magsasaka ng damong dagat. 80 bahagdan ng produksiyon ng damong dagat sa bansa ay matatagpuan dito. Ang mga pinatuyong damong dagat ay ipinapadala sa Cebu upang gawing “carageenan”. Sa Gen. Santos matatagpuan ang isang “international fish port” . ang proyektong ito ay naisagawa sa halagang P700 milyon. Na inutang sa Overseas Economic Cooperation Fund ng Japan.

 

      May 6. 1 ektaryang lupa ng kagubatan sa Mindanao. Ito ay bumubuo sa 38 bahagdan ng kagubatan sa buong  Pilipinas.[5] Subalit dahil sa pang- aabuso, nalagay sa pnganib ang sitwasyon ng mga kagubatang ito.  Sa tulong ng World Bank, naprotektahan at napangalagaan ang kagubatan ng Mt. Apo at Mt. Kitanglad. Ayon sa DENR, mayroong 20 “watershed reserves” ang Mindanao. Mayroon din itong 14 na mga “national parks”. Binabantayan ng pamahalaan ang mga pagkakaingin at ipinagbabawal ang pagtotroso sa pamamagitan ng pagtatag ng Integrated Forestry Management Agreements.

 

      Sa pagmimina, ginto lamang ang pinakamasaganang mineral ngunit hindi naman talaga ito ganun karami.  May mga “gold panners” sa Diwalwal at Davao del Norte na kung saan itinuturing na mapanganib ang kabuhayang ito.

 

      Ang pag- aangkat ng produkto ay may malakas na pamilihan sa Europa na kung saan 50 bahagdan ng produktong dagat na iniaangakat ng Mindanao ay napupunta dito.  35 bahagdan naman ay napupunta sa Japan at 9 bahagdan ay napupunta sa Estados Unidos. Nagkaroon din ng istasyon ang FedEx  na kung saan dalawa sa eroplano nito ay naghahatid ng tuna sa Japan.

 

      Samantala, ang mga produktong pumapasok sa Mindanao ay mga materyales  na ginagamit sa pagpapa- unlad ng industriyang pag- aangkat nito. Ang mga ito ay tin plates, fluting paper, mga bankang pangingisda, kemikal, ascetic bags, binhi ng asparagus at iba pa.

 

      Ayon naman sa ulat ng pamahalaan madali para sa mga kapitalista ang magpaunlad ng negosyo sa Mindanao. Meron na dito ng mga “special economic zones”, “export processing zones” at “Industrial Estates”. Ang mga ito ay sadyang itinalaga upang mapadali ang pagpapalaks ng ekonomiya ng rehiyon.

 

      Simula pa noong 1980s, tatlong malaking planta ng bakal ang nagsasagawa na ng operasyon dito. Ang pinakamalaki sa mga korporasyong ito ay ang National Steel Corporation na dating pinagmamay- arian ng pamahalaan ngunit ngayon ito ay pinagmamay- arian na ng Westmont Group of Malaysia. Ang industriya naman ng semento ay may kahinaan sa bansa. Mayroong 20 tagayari ng semento sa buong Pilipinas, anim dito ay nakabase sa Timog at Hilagang Mindanao. Ang pinakasikat dito ay ang Alsons Cement Corporation. [6].

Today, Mindanao is quickly transforming from pure agriculture development to agri- industrialization. In the future, as the development programs for Mindanao  continue and cause further growth, the industry and service sectors will replace agriculture and agri- industry as the prime movers of Mindanao’s economy. – Philippine Regional Profiles

 

      Sa kabuuang lupa ng Mindanao, 34 bahagdan nito ay nakatutok sa pagsasaka. Dito matatagpuan ang mga pinyang siguradong papasa sa pandaigdigang batayan. Sa may Mnolo Fortich sa Bukidnon nakabase ang kilalang Del Monte Pineaaples. Ang pangingisda naman ay isang industriyang tradisyunal sa Misamis, Agusan, Camiguin, at Surigao.  Mayroon ding mga metal at di- metal na mineral na makukuha dito. Halimbawa nito ay ang ginto, aluminous laterite, silver, nickel, white clay, limestone, at silica. Ito ang dahilan kung bakit may dalawang ferro- alloy plants at nickel refinery sa Mindanao.

 

      Isa rin sa kayamanan ng Mindanao ay ang “highly literate at highly skilled” na populasyon nito. Karamihan sa mga empleyado at mga manggagawa nito ay produkto ng respetadong institusyon gaya ng Xavier University ng Cagayan de Oro City at Mindanao State University ng Marawi City.

 

      Ang ARMM ay nagunguna sa produktong cassava.[7] Mayaman din ito sa produktong gubat, minahan at palayan, ngunit ito ay isa sa mga pinakamahirap na rehiyon sa bansa. Ang Hilagang Mindanao ay pumapangatlo sa pinakamalaking tagtustos ng saging at mais.[8]sa kabila ng masaganang pagsasaka dito, maunlad din ang industriya ng pangingisda. Umaabot sa P90 milyon ang kontribusyon nito sa industriya ng dagat. Ang Gitnang Mindanao naman ay nagtataglay ng dalawa sa pangunahing ilog ng bansa—ang Cotabato River Basin at Agus River Basin. Narito rin ang pinakamalaking law, ang Lake Lanao.

 

      Ang mga ito ay iilan lamang sa mga kayamanang taglay ng Mindanao. Hindi maikakaila na masagana ang Mindanao kumpira sa ibang rehiyon ng bansa. Ngunit bakit nananatili pa rin ito bilang pinakamagulo at mahirap na lugar sa Pilipinas?

 

 

MGA BANTA SA KAUNLARAN NG MINDANAO

Gretzhel Saligbon           

Ang kasaysayang aming tatalakayin sa bahaging ito ay nais lang naming banggitin kung paano nabuo ang mga militanteng grupo sa panahon ni Marcos at ang pagpasok ng rehimeng Aquino. Ang pagtatalakay sa mga sumunod pang rehimen ay batay na sa kung ano ang naging programa na kanilang nabuo upang tugunan ang problema sa Mindanao. Tatlo ang pangunahing problema na kinakaharap ng mga tao roon. Ang una ay ang problema pa rin sa distribusyon sa lupa. Ang pangalawa ay ang problema sa tension sa pagitan ng mga Muslim at hindi Muslim. Ang huli at pinakamalala ngayon ay ang problema sa terorismo.

Noong mga taong 1960 ang halos may pinakamalaking bilang ng mga taong nagsisipaglipatan sa islang ito. Ito ang naging simula kung saan ang Mindanao ay hindi na Muslim ang may pinakamalaking populasyon. Tinatayang may 3,200[9] mga tao ang dumarating kada-linggo. Karamihan sa kanila ay galing sa kalapit na isla ng Visayas. Ito na rin ang simula ng mas matinding tensyon sa pagitan ng mga katutubo sa islang ito at mga kararating lamang. Napakaraming kaso ng pagnanakaw ng lupa, panloloob ng iba’t-ibang militanteng grupo, problema sa iligal na pagpuputol ng mga puno, cattle-rustling at mga pagpatay.

            Sa Cotabato at Lanao, may mga tao nagtayo ng mga grupo upang ipaabot sa gobyerno ang kanilang pagrereklamo sa mga kaapihan ng mga kompanyang pumasok sa isla. Gayundin ang mga kalupitan ng mga militar, at mga maiimpluwensyang mga tao. May mga ilang indibidwal rin na malupit at minsan pa ay bastos ang pakikitungo sa mga katutubo at Muslim dahil sa tingin nila ay mababang uri ng ang klase nila.

            Ang mga halimbawa nito ay ang mga Ilaga ng mga Ilonggo at Tiruray, ang Blackshirts ni Udtong Matalam at Barracuda ni Ali Dimaporo.

            Sa mga taong 1970, nabuo ang Presidential Assistance on National Minorities (PANAMIN) sa pamumuno ni Manuel Elizalde na isang kroni ni Marcos.

            Ang paglala ng usapin sa seguridad sa islang ito ang ginawang batayan ni Marcos noong 1972 upang magdeklara ng batas-militar para sa buong bansa. Mas lumala ang mga karahasan sa isla dahil binigyan ng mas malaking kapangyarihan. Ito naman ay kanilang inabuso. Sa ganitong konteksto nabuo ang mga grupong tulad ng MNLF at MILF na hanggang sa ngayon ay problema pa rin ng gobyerno.

            Ang pagkapatalsik kay Marcos ay nagbigay ng panibagong pag-asa sa mga tao na sila ay may pagkakataon ng mapabuti ang kanilang mga kalagayan. Ang isa sa naging hakbang ni pangulong Aquino upang unti-unting solusyunan ang problema dito ay ang makipag-usap sa MNLF. Ang problema, bukod sa maraming problema sa parte ng gobyerno ukol sa usaping ito, ang MNLF ay nahati. Lalong lumaki tuloy ang problema ng gobyerno…

 

Mga Kilusang Separatista

Ang Lupa ng Pangako, mula pa nang igawad ng Estados Unidos ang pagsasarili sa Pilipinas, ay hindi na nawaaln ng gulo sa lupain nito. Napakaraming grupo ang sinasabing nagdulot ng hindi pagyabong ng ekonomiya at nagbigay sa Mindanao ng pagkakakilanlan sa loob at labas ng bansa bilang isang magulo at delikadong lugar sa Pilipinas.

Sa panahon ng mga paghihigpit ng Batas Militar, isa sa mga puwersang pampulitikang nakapagbigy ng malaking suliranin at pahirap sa diktaduryang Marcos ay ang MNLF O Moro National Liberation Front. Kinilala sila bilang sesesyonista o separatista na kailangang pigilan ng gobyerno dahil ito ay maaaring makasira sa pinaplanong Bagong Lipunan ni Marcos. Mula rito ay nagmula naman ang MILF o Moro Islamic National Liberation Front na isa ring grupo sa pagsasarili ng Mindanao. Lumikha ang dalawang grupong ito ng gulo at hindi mabilang na pagdanak ng dugo sa Mindanao.

Gayundin, ang lupain sa diktadurang Marcos ay pinasok ng mga grupong komunista, ang CPP-NPA, bilang bahagi ng plano nitong pagpapalwak ng kanilang laban para sa pambansang demokrasya. At sa ngayon, ang Mindano ay kilala bilang pugad ng mga teroristang bahagi ng malawakang organisasyon sa terorismo, ang Abu Sayyaf.

Sa paggawad ng kalayaan sa Pilipinas noong 1946 ay hindi kinilala ng mga pinunong Moro ang Mindanao bilang bahagi ng nasakop at lumayang Pilipinas. Ang nais nila ay magtatag ng sarili nilang pamahalaan na kakalinga at tatayo sa interes ng mga tao sa kanilang lugar. Ang damdaming ito ng mga Moro ay lalo pang lumalim dahil sa nakikita nilang kakulangan ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng Mindanao. Ayon sa ulat ng sensus noong 1948 ay halos 80% ng mga Pilipinong Muslim ay walang tiyak na kabuhayan at walang ari-arian. Sa mga serbisyong pangkalusugan, ang Mindanao noong 1970 ay mayroon lamang 563 rehistradong manggagamot. Sa edukasyon, 17.7% lamang ng kabataan ang p[10]umapasok sa mga pampublikong paaralan ng Lano del Sur, Cotabato, at Sulu.

Lalo pang lumala ang kalagayan ng mga Moro nang hikayatin ng gobyerno ang mga tao na magtungi at manirahan sa Mindanao. Sa unti-unting pagdami ng mga dayo mula sa Luzon at Kabisayaan ay nalipat ang kapangyarihang pulitikal at lupa ng mga Moro sa mga nasabing dayo. Ang Senate Committee on National Minorities noong 1963 ay nagbigay ng ulat hinggil sa mga hinaing ng ilang tao sa mga lalawigan ng Mindano laban sa mga Kristiyanong magsasaka at ilang malalaking kumpanya na unti-unting nagpapalayas sa kanila sa lupag kanilang kabuhayan.[11] Nagdulot ito ng takot sa mga Muslim na baka tuluyang mawala ang Mindanao sa kanila at muling pagkabuhay ng damdaming pagsasarili ng Lupang Pangako.

Sa buong dekada pa lamang ng 1960 ay gumawa na ng maraming hakbang ang mga Muslim upamg ipaglaban ang kanilang karapatan para sa Bangsa Moro na kanilang isinusulong. Ang Bangsa Moro ay nangangahulugan sa kabuuan na lupain ng mga Moro. Noong 1968 ay itinayo ang Muslim Independence Movement (MIM) na tumatawag sa tuluyang paghihiwalay at pagdepensa sa mga rehiyon ng Mindanao, Sulu, at Palawan sa neo-kolonyal na pamahalaan ng Pilipinas. Ayon kay Datu Udtog Matalam, ang nagtatag ng Mim, marapat lamang na sila ay humiwalay dahil hindi nagtagumpay ang gobyerno ng Pilipinas na pamahalaan ang Mindanao ng may hustisya ayon sa mga sariling batas at paniniwala ng mga taong naninirahan dito.[12] Ngunit ito ay hindi nakakuha ng malaking suporta mula sa mga tao dulot ng malaking takot sa gulo.

Ngunit isang pangyayari ang gumising sa mga Muslim upang makita nng malinaw ang pang-aabuso ng ilang Kristiyanong Pilipino sa Mindanao at nagpatatag muli sa kanilang laban sa pagsasarili. Ito ay ang pagkalat ng balita ng Jabidah Massacre na naganao noong Marso 17,1968. Ang insidenteng ito ay patungkol sa mass execution na naganap sa mahigit sa 28 rekrut na kabataan na nakabase sa Corregidor. Ang mga nagsasanay ay dapat sanang ipadadala sa Sabah, Malaysia upang isagawa ang Operasyong Merdeka, ang planong pagbawi ng Pilipinas sa Sabah mula sa una.[13] Ayon sa ilang libro, ang mga rekruit, na karamihang nagmula sa mga lupain ng Bangsa Moro, ay naniwalang sila ay nagsasananay para mapasama sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas upang labanan ang lumalaking grupo ng mga komunista sa Pilipinas noon. Ngunit nang malaman ng mga ito ang tunay na dahilan, sila ay nagprotesta laban sa nasabing operasyon. May ilang bersyon din namang nagbanggit na ang mga rekruit ay nagsimulang magreklamo nang hindi pa rin nila natatanggap ang ipinangakong suweldo ng mga opisyales na kumuha sa kanila.[14] Sa kabila ng mga pagsisiyasat na ginawa ng Kongreso  at mainit na pag-aabang ng media ay hindi na nalaman ang katotohanan sa likod ng insidenteng ito. Parang inunsulto pa ang mga Muslim nang mapawalang-sala ang mga akusadong opisyales ng militar.

Matapos ang gulong ito ay itinayo ang Bangsa Moro Liberation Organization (BMLO) na naglalayong magtayo ng nagsasariling pamahalaan ng mga Moro at para sa Moro. Ito ay itnayo ni Datu Pashid Lucman.[15] Ang grupo ay nagpadala ng mahigit sa 90 Morong kabataan sa Pulau Pangkor, Sabah upang sumailalim sa isang military training bilang paghahanda sa kanilang pag-aarmas. Dito sa BMLO mag-uugat ang MNLF na humiwalay sa una dahil sa pagkokondena ni Lucman sa mga “Marxista” sa loob ng organisasyon na tumutukoy kay Nuruladji Misuari.

Ang MNLF ay inorganisa sa tulong nina Hashim Salamat ng mga Maguindanao, Dimas Pundato ng mga Maranao, at Nur Misuari ng mga Tausug-Samas noong Marso 18, 1968.[16] Ang grupo ay binuo mayorya ng kabataang Muslim, karamihan ay mga estudyante, at ilan ay mga Muslim na lider at kongresista bilang mga tagapayo ng grupo.

Ang pinakalayunin ng MNLF o Moro National Liberation Front, ayon sa manipesto na kanilang nilabas noong Abril 28, 1974, ay ang buong paglayang mga taong naninirahan sa Bangsa Moro (Badjao, Iranun, Jama-mapun, Kalagan, Kalibugan, Maguindanao, Maranao, Molbua, Palawan, Samal, Sangil, tausug, Yakan, at mga grupong Lumad) at ang pagsasarili ng kanilang estado. Ang kanilang paraan ng pagkuha sa kalayaan ay sa pamamagitan ng pag-aarmas upang labanan ang mapaniil na pamamahala ni Marcos.

Ang ilang mga dahilan ng kanilang paglaban sa paghihiwalay sa Pilipinas ay naisulat sa artikulong A Case For Self-Determination ni Asani:

·        Ang Pilipinas bilang bansa na kinapapalooban ng lupain ng mga Moro (Mindanao, Sulu, Basilan, at Palawan) ay nagpapakita ng isang uri ng kolonisasyon at dahil dito marami sa Bangsa Moro ay napagkakaitan ng kanilang karapatan sa sariling identidad, kalayaan, at pagsasarili;

·        Ang kolonisasyong ito ay nagdadala ng eksploytasyong pangkabuhayan, represyon, at diskriminasyon laban sa mga tao sa mgaMoro na ipinatupad ng pamahalaan  ng Pilipinas at ilang lokal at dayuhang tagasunod  nito;

·        Ang rehimeng Marcos ay kasabwat sa malawakang kampanya laban sa mga taga-Bangsa Moro, at;

·        Ang imperyalistang Estados Unidos, sa patuloy nitong pagsuporta at pagtulong sa Pilipinas sa larangan ng pangkabuhayan  at militar, ay kasabwat din sa krimeng isinasagawa ng Pilipinas sa mga taga-Bangsa Moro.[17]

Ang kinilalang lider  nito ay si Nur Misuari na noo’y propesor sa Unibersidad ng Pilipinas at aktibong miyembro ng grupong Kabataang Makabayan (KM).[18]

Mula 1971 hanggang sa maibaba  ang Batas Militar sa buong bansa ay nanatiling tahimik ang MNLF sa kanilang mga hakbang. Ngunit dahil itinuturing ni Marcos na kalaban ng kanyang pangasiwaan ang mga sesesyonistang grupong namumuo sa Mindanao ay sinimulan nito ang pagpapadala ng mga  militar sa Mindanao upang isawata ang anumang kilusang lalaban sa pamahalaan. Samantala, ang ilang lugar “daw” sa Mindanao partikular na ang Sulu, Basilan, at Zamboanga del Sur ay pinamumugaran ng ilang dayuhang hukbo na tumutulong sa mga sesesyonista kung kaya kinakailangang magpadala ng mga military upang protektahan ang Mindanao.[19] Ginamit ni Marcos ang mga dahilang ito upang palawigin ang militarisasyon sa Mindanao.

May bahid ding pang-ekonomiya ang pagpapadala ng mga militar sa Mindanao. Ang Mindanao ay kinikilala bilang  Lupain ng Pangako dahil sa matabang lupa nito at sa taglay nitong likas na yaman  tulad ng iron, coal, nickel, manganese, ore, at copper. Sa Mindanao rin makikita ang ilang mutinasyonal na plantasyon sa bansa: DOLE, Del Monte, Goodrich, Goodyear, at Firestone. Maging ang mga ilang Hapones ay namuhunan  sa pagmimina, pagni-niyog, pagto-troso, pangigngisda, at sa plantasyon ng saging.[20] Dahil dito, naging mahigpit ang gobyerno sa seguridad,

Dahil sa pagsasailalim halos ng Mindanao sa kamay ng mga militar ay naganap ang unang pag-atake ng MNLF sa Marawi noong Oktubre 21, 1972. Ngunit para kay Marcos, ito ay bahagi lamang ng propaganda ng mga komunista para sirain ang  kanyang plano para sa Mindanao.[21] Ito ay pinamunuan ng grupong IKLAS.   Isang alyansa  ng mga kilusang  mag-aaral  naman ang umukopa sa Mindanao State University at ginamit ang istasyon ng  radyo nito  upang manawagan at hingin ang suporta ng mga tao para sa isang jihad laban sa rehimen. Noong Disyembre 1972, ang MNLF ay tumungo sa Baryo Tran sa Lebak, Cotabato upang itayo ang kanilang unang base sa Mindanao. Sa mga panahong ito ay nasa pagitan ng 2,000 hanggang 6,000 ang kaspi  ng kilusan. Bago pa man matapos ang 1972,  ang pakikipaglaban ng MNLF at iba pang Muslim ay kumalat na hanggang Basilan, Cotabato, Lanao, Zamboanga, Sulu, at Tawi-Tawi.[22] Pagsapit ng 1975 hawak na ng MNLF ang mahigit sa anim na lalawigan  sa Mindanao. Ang walang tigil na opensiba nito ay nakatulong upang makapagreorganisa ang ilang puwersang anti-diktadura sa ibang bahagi ng bansa.

Ang kampanyang ito ng pamahalaan  laban sa MNLF ay kumain ng malaking pera mula sa kaban ng bayan. Ang military appropriations na P 0.9 bilyon noong 1972 ay umabot ng P 6.9 bilyon sa taong 1976.[23] Mahigit sa isang kapat ng pambansang badyet ay ibinigay sa militar. Kasama pa sa perang ginagamit sa digma ay ang salaping nagmumula sa Estados Unidos para sa kanilang mga base rito sa Pilipinas.

Ang pakikipaglaban din ay hindi nagtagal dahil ng lumaon ang MNLF na lamang ang nagngungunang puwersang antidiktadura, kasama ang NPA. Mas nakapagpokus ang gobyerno at nagawa rin nitong bilhin ang ilang lider ng grupo na isang malaking dagok sa kilusan. Ang dating 14,000 na miyembro noong 1973 ay naging 6,900 noong 1976.[24] Sa loob lamang ng tatlong taon ay sobra pa sa kalahati ang nawala sa grupo. Sa ganitong panahon nagsimulang dumanas ng mga pagkatalo ang MNLF, ngunit nanatili ito dahil na rin sa suporta ula sa mga ordinaryong mamamayan.

Inimbitahan ni Pangulong Marcos ang sekretaryat ng Organization of Islamic Conference (OIC) upang mamuno sa isang negosasyon para sa isang tigil-putukan. Ang OIC ay naniniwalang ang gobyerno ay may layunin na ubusin lahat ng mga Pilipinong Muslim. Ang Libyan Lider na si Moammar Qadaffi na gumanap ng malaking parte sa naging tigil-putkan ay nagbanggit na kung magpapatuloy ang gulo ay malalagay sa alanganin ang suportang ibibigay ng mga Arabong bansa sa pamahalaan. Kaya lamang wala pang ginagawang aksyon ang OIC hinggil dito ay dahil sa pamamagitan ng Indonesia. Ngunit tulad ng kahit sinong pangulo, takot si Marcos na ito ay magdulot ng pagtigil ng mga Arabong bansa sa pagbibigay ng suplay ng langis kung kaya naganap ang negosasyon.

Ang Kasunduan ng Tripoli na pinirmahan noong Disyembre 23, 1976 ay tumatawag sa pagbuo ng Muslim Autonomous Zone (MAZ) sa 13 probinsya: Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Nort, Hilagang Cotabato, Maguindanao, Sultan Kudarat, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Davao del Sur, Timog Cotabato, Palawan, at lahat ng mga siyudad na nasa hilaga ng mga nabanggit na lugar.[25] Ang bagong awtonomiya ay magkakaroon ng sarili nitong puwersa para sa seguridad at transisyunal na administrasyon na may tamang represebtasyon mula sa iba’t ibang grupo sa Bangsa Moro. Ang katahimikang dulot ng Kasunduan sa Tripoli ay panandalian lamang. Nagsimula muli ang labanan sa pagitan ng pamahalaan at MNLF nang ang Pangulong Marcos ay nagnais na magkaroon ng plebisito sa mga lalawigan na nagnanais na maging bahagi ng awtonomiyang rehiyon. Tumutol ang MNLF dahil maaaring maging dahilan ito ng hindi pagbibigay ng awtonomiya sa lahat ng nabanggit na lugar sa kasunduan.

Muli pinilit na mamagitan ang OIC sa dalawa upang maiwasan ang pagdanak ng dugo sa Mindanao. Ngunit ito ay napatunayang walang halaga. Lalong lumabo ang sakaling negosasyon o usapang pangkapayapaan nang ang MNLF noong 1982 ay nahati sa 3 grupo: ang mga natrang dating miyembro ng MNLF, ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na pinamunuan ni Hashim Salamat, at ang MNLF-Reformist Group na pinamunuan ni Dumas Pundato.[26] Ang paghihiway na ito ay dulot na rin ng pagkakaiba ng kanilang ideolohiya. Gayunpaman, ipinagpatuloy pa rin ng mga puwersa ng MNLF ang armadong pakikibaka. Ngunit nang wala na itong masilip na maaasahan pa sa Kasunduan ng Tripoli, idineklara ng MNLF noong Abril 1980 na hindi na sila interesado sa kasunduan at kanilang pinirmi na sa paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas ang kanilang layunin na kakamtin sa armadong pakikibaka.

Ngunit natigil din ang lahat ng labanang ito ng MNLF nang itatag ang ARMM (Autonomous Region of Muslim Mindanao) sa administrasyong Ramos.

Samantala, ang MILF ay ipinagpatuloy ang laban para sa Bangsa Moro bagamat lumabas na ito sa MNLF. Nang nagpatuloy ang usapang pangkapayapaan sa panahon ni Pangulong Cory Aquino ay nakaramdam ang nasabing grupo na ang binibigyan lanang ng tanging atensiyon ng gobyerno ay ang MNLF. Kung kaya sunod-sunod na binigyang babala ng MILF ang pamahalaan na kung hindi sila isasama sa pag-uusap ay gagawa muli sila ng malaking gulo.

Sumunod nga rito ay ang mga malaking opensiba ng grupo sa Sultan Kudarat, Maguindanao, Hilagang Cotabato, Lanao del Sur, at Marawi. Binomba nila ang mga gusali ng pamahalaan at mga tulay, isinara ang ilang mga pambansang daan, at pinutol ang mga kable ng kuryente. Matapos na dumanak muli ng dugo ay saka pa lamang nakinig ang pamahalaang Aquino. Naganap ang mga pag-uusao bagamat hiwalay ito sa nagaganap na pag-uusap sa MNLF. Sa kasamaang palad, hindi nagkasundo ang MILF at ang pamahalaan lalo na nang itatag ang ARMM.

Kung kaya hanggang ngayon ay marami pa ring gulo ang sinasabing ginawa ng grupong MILF. Nugnit inaasahan, sa kasalukuyan, na matutuloy na ang usapang pangkapayapaan na ipinahahayag ng pamahalaang Arroyo, sa tulong ng Prime Minister ng Malaysia na si Abdullah Ahmad Badawi, bago man maganap ang eleksyon sa Mayo.

Ang diktaduryang Marcos ay panahon din ng malawakang paglaganap ng ideolohiya ng Marxismo sa bansa. Ang mga pang-aabuso at katiwaliang ginawa ng pamahalaan at mga institusyon nito ay tumulak sa mga mamamayan na maghanap ng paraan upang labanan ang mga ito.



 

Kilusang CPP-NPA

Ang CPP O Communist Party of the Philippines na inorganisa ni Jose Maria Sison noong Disyembre 36, 1968 sa Gitnang Luzon ay produkto ng dating Partido Komunista ng Pilipinas ng mga magkakapatid na Lava.[27]

Si Sison, na dating miyembro ng naunang partido, ay siyang nagtayo rin ng Kabataang Makabayan (KM) noong 1964. Sa naging malawak na impluwensya ng KM ay natakot ang mga miyembro ng dating partido sa lumalaking popularidad ni Sison kung kaya nagtayo ang PKP ng sarili nitong grupong pangkabataan – ang Samahang Demokratikong Kabataan (SDK). Tinangka din ng mga ito na patayin si Sison upang hindi lumawig pa ang ginagawa nitong paghahati sa partido.[28] Kaya nagdesisyon si Sison na tumiwalag sa dating partido na nakikita niyang hindi na epektibo. Itinayo niya, at 10 pang kasama, ang CPP na kumakapit sa mga turo nina Marx, Lenin, at Mao Tse-Tung.

Matapos ang pagkatatag ng partido itinayo naman ang New People’s Army (NPA), ang armadong grupo ng CPP noong Marso 29, 1969. Ito ay pinamunuan ni Bernabe Buscayno (Kumander Dante).[29] Bagamat noong una ay taglay lamang nila ay 10 riple sa pakikipaglaban, hindi nila itinigil ang pagmumulat sa mga tao hinggil sa pambansang demokrasya at pagpapalaki pa ng armadong kilusan (NPA). Karaniwan muna nilang kinukubkob ang isang lugar at “nililinis” mula sa mga mata ng Hukbong Sandatahan. Matapos nito ay doon pa lamang darating ang mga kadre na siyang mamumuno sa mga diskusyon, usapin, at interaksyon sa mga tao.[30]

Ang pagsisimula ng CPP-NPA sa Mindanao ay walang tiyak na taon. Sinasabi lamang na nagsimula ang lahat sa mga “sparrow units” na nasa Mindanao.[31] Ang mga sparror units na ito ay grupo ng mga tao na nakikisimpatiya sa laban ng CPP-NPA at nagbibigay ng tulong sa mga miyembro ng partido.[32] Nang malaman ng NPA ang lumalawak na kaalaman ng tao hinggil sa kanilang pakikipaglaban ay pinasok na rin nila ang Mindanao, partikular ang Davao. Karamihan sa mga pumuntang grupo at namuno sa Mindanao ay mga dating studyante ng Ateneo de Davao, University of Mindanao, University of Southern Philippines, at Mindanao State University.[33] May ilan ding nagmula sa Maynila tulad nina Emmanuel Lacaba at Edgar Jopson.

Taong 1976 nang pormal ng naitayo ang gerilyang yunit ng NPA sa Mindanao. Naglunsad ang grupo sa Mindanao ng mga sunod-sunod na pag-atake na nagbunga ng mahigit sa 5,000 kamatayan ng mga sibilyan, militar, at ilang mga kasapi rin nito.[34]

Nang maupo si Corazon Aquino bilang pangulo ay nagkaroon ng usapang pangakapayapaan para sa mga Komunista. Si Jose Diokno ( na papalitan ni Teofisto Guingona) at Ramon Mitra ang hinirang ng pamahalaan para makipag-usap  kay Satur Ocampo, ang hinirang ng kilusang  komunista para kumatawan sa usapan.[35] Hindi naging madali ang pag-uusap lalo na nga’t walang nakikita ang  NPA na pagbabago sa patakaran ng pamahalaan. Pinalala pa ito ng idineklara ang CPP-NPA bilang isang kilusang terorista ng Estados Unidos, European Union at ng pamahalaang Arroyo,kamakailan lamang.

Ngunit nitong Marso 2004 ay inaasahan na matutuloy na ang usapan sa pagitan ng pamahalaan at NDF (National Democratic Front). Marami ang umaasa na magiging matagumpay ang usapan upang matahimik na, hindi lamang Mindanao, pati na rin ang buong bansa at matamasa na ang matagal ng hinahangad na kaunlaran.

 

Terorismo: Abu Sayaff

Abu Sayyaf, ang ibig sabihin ay “ama ng espada”. Ito ang ipinangalan ni Abdurazzak Abubakkar Janjalani sa grupong kanyang itinayo noong 1991. Hango naman ang pangalan sa ngalan ng kanyang guro sa isang mujahideen-university sa Peshwar, Pakistan. Ayon sa ilang dokumentong nakalap ng mga awtoridad, tinulungan siya ni Khalifa sa pagtatayo ng grupong ito. Si Khalifa ay bayaw ni Osama bin Laden, ang nagtayo ng grupong Al Qaeda “ang base” na responsable sa pagpapasabog sa World Trade Center ng New York noong ika-11 ng Setyembre 2001.

            Ang grupong ito ay itinatag bilang isang alternatibo sa MNLF. Naging dismayado kasi ang mga konserbatibong Muslim, tulad ni Janjalani sa disisyon ni Nur Misuari na makipagkasundo na lamang. Sa halip na isulong ang pangarap ng karamihan sa mga Muslim sa Mindanao na humiwalay sa gobyerno ng bansa.

Sa maraming paraan pwede nating ilarawan ang Abu Sayyaf. Pero sa lahat ng ito, may apat na bagay ang talagang totoo patungkol sa kanila ayon kay Barreveld sa aklat niyang “Terrorism in the Philippines”. Una, sila ay mga terorsita, sila ay mga Muslim, sila ay mula sa pinakamahirap ng mga lugar sa bansa, at pang-apat sila ay mga Tausug “people of the current.”  

Si Janjalani ay isang konserbatibong Muslim ba ang tipo ng Islam na kanyang niyakap ay ang Wahhabi (kapareho ng pinaniniwalaan ni Osama) at Tabligh. Ito ay isang paksyon ng Islam kung saan ang mas binigyang diin ang ang aral na makakarating sa Paraiso ang isang Muslim sa pamamagitan ng paggawa ng maraming kabutihan sa mata ni Allah.

Siya ay kabilang sa mga naging sundalo ng Afghanistan noong mga 1980 kung saan pinatalsik nila ang mga Soviet sa bansang iyon. Siya ang na-recruit sa Libya ng Maktab al-Khidama (MAK), isang organisasyon na tinayo, pinonduhan, at sponsored noong una ng Central Intellegence Agency ng Amerika upang tulungan ang Afghanistan.

Sa ilalim ng pamumuno ni Janjalani, ang ilan sa mga ginawa ng mga Abu Sayyaf ay ang pagpapasabog ng granada sa Davao noong 1991. Ang unang pagdukot ng grupo ay noong 1993 kung saan ang mga bihag ay doon mismo tinago sa bahay niya sa Tabuk, Basilan. Noong 1995, pinaslang ang may 53 katao sa isang bayan sa may hilagang parte ng Zamboanga del Sur. Pinaniniwalaan na kaya nila ginawa ang huli, ay dahil nais nilang matigil ang pakikipag-usap ng MNLF sa gobyerno.

Noong Disyembre 1998, si Janjalani ay pinatay. Subalit nagpatuloy pa rin ang grupo sa ilalim ng pamumuno ng dalawa niyang kapatid. Sila ay sina Hector at Khadaffi. Sa ilalim nila, ang grupong ito ay naging ganap na terorista. Sila ay nasangkot sa kabi-kabilaang krimen tulad pagdukot at pagnanakaw. Nitong dalawang huling taon kung saan sinasabing may porma na ugnayan na sila ng Jemaah Islamiah, mas madalas na silang naging sangkot sa iba’t-ibang pambobomba.

Kung sila ang paniniwalaan, sila rin daw ang may gawa ng sunog sa Superferry 14 noong ika-27 ng Pebrero 2004. Sa insidenteng ito may 22 pasahero ang kompiradong patay, 112 ang nawawala pa rin. Ang sasayang ito ay may lulan na 899 na pasahero mula sa Manila Bay patungong Bacolod at Cagayan[36]. Ayon sa kanilang taga-pagsalita, ang bomba ay sumabog mula sa isang cabin accomodation, mula sa silid ng “suicide bomber”. Kung totoo nga ang ulat na ito, sabi ng awtoridad, talagang may malaking problema ang pamahalaan. Ito ay dahil may mga suicide bombers na sa ating bansa. Isa pa, ang ibig sabihin nito, naging matagumpay ang mga membro ng Jemaah Islamiah sa paghubog ng kaisipan ng mga lokal na terorista.

Ang lumalalang problema ng terorismo sa Mindanao at sa buong bansa na rin, ay may masamang epekto sa ekonomiya nating naghihikahos. Kung magpapatuloy ito, bukod sa bumababa ang bilang ng mga turista sa mga Mindanao at nababawasan ang perang pumapasok sa pamahalaan mula sa industriyang ito, baka mawalan pa ng mga negosyanteng mamumuhunan sa Mindanao. Ito ay sa kadahilanang mas mataas na ang cost sa pagnenegosyo. Kailangan na kasi ng mga negosyante na magdagdag ng pera para sa mga kagamitang pangseguridad. Mahirap na rin ang pagpasok ng ilang produktong galing sa bansa dahil wala ng kompyansa ang mga mangangalakal sa pagbibyahe ng mga ito. Maaari kasing salakayin ang barko na may lulan ng mga produkto.

Ang mga negosyante naman ay nag-aalangan sa pananatili dito sa Mindanao kasi hindi sila nakakatiyak sa kanilang kaligtasan. Marami ring perang nawawala sa kanila sa palagian nilang pagbayad ng ransom. Mas madalas kasi na sila ang mga pinuponterya ng mga grupong tulad ng Abu Sayyaf.

 
MGA TUGON TUNGO SA KAPAYAPAAN AT KAUNLARAN

Jose Angelito P. Angeles

 

Nagsimula ang dekada 70 na may dalang malaking suliranin sa bansa: ang paglakas ng  rebeldeng kilusang Communist Party of the Philippines- New People’s Army (CPP-NPA), paglakas ng kilusang aktibismo sa hanay mag-aaral, manggagawa at magsasaka, paghina ng lagay pangkabuhayan, at paglaganap ng kriminalidad.

Sa Mindanao, lumalaki naman ang hidwaan sa pagitan ng mga Moro at mga Kristiyanong salta mula sa Luzon at Bisayas na pinagkalooban ng mga lupain at matitirhan sa ilalim ng programang Homestead. Tinututulan ng mga Muslim ang pagpasok, at sa ilang pagkakataon ay pangangamkam, ng mga salta sa mgalupain ng mga Moro. Dinadaing din ng mga Moro ang pagpapabaya sa kanila ng pamahalaan dahil sa kakulangan ng pinagkakaloob nitong tulong sa kanilang kabuhayan at pangunahing pangangailangan tulad ng edukasyon, kalusugan at iba pa.

Upang mapangalagaan ang interes ng mga Moro, itinatag ni Nur Misuari ang Moro National Liberation Front (MNLF) na naglalayong ihiwalay ang Muslim Mindanao[37] at magtatag ng isang estado na tatawaging Bangsa Moro Republic.

Naging malaking banta ang kilusang MNLF hindi lamang sa seguridad ng bansa pati na rin sa pamahalaang awtoritaryan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos. Ayon kay Marcos:

The secessionist challenge was in sense different from that posed by the Communist Party and the New People’s Army. Firstly, it had grave repercussions on the safety of civilians and entire communities. Since the outbreak of the conflict, civil casualties have run ten times more than army and rebel losses, and close to 500,000 civilians have been rendered homeless or dislocated by the conflict.

            Secondly, foreign intervention has figured in the conflict as the source of arms and weapons for the rebellion. Weapons seized from the rebel forces included crew-served weapons, mortars, rocket launchers, and heavy machine guns, and this formidable firepower made the rebellion so much susceptible to rapid resolution.

            Thirdly, the setbacks suffered by the rebellion have served to direct it into desperate acts of terrorism, kidnapping and sabotage, and the very instability of its leadership has made it a serious threat to civilian communities in the South.[38]

 

            Noong Oktubre 1972, matapos isailalim ang bansa sa Batas Militar, isang pag-aalsa ang sa Marawi , na sinundan ng pagkubkob ng mga rebeldeng Moro sa Jolo at Cotabato noong 1973.

            Noong Mayo 21, 1976 isinailim sa kontrol ng anim na rebelte ang isang Philippine Airlines BAC-111 jetliner, na galing Maynila patungong Davao, at inilapag sa Zamboanga. Nagtagal ang hijacking sa loob ng tatlong araw at ito ay kumitil ng labingtatlong buhay (kabilang na ang tatlong hijackers) at sumugat sa dalawampu’t-dalawang katao.

            Ang digmaan sa Mindanao ay kumitil na ng maraming buhay, sumira sa mga inprastraktura at ari-arian tulad ng mga tirahan, paaralan at mga mosque, at lalong nagpalubog sa mga tao sa kahirapan. Ginugulan din ng pamahalaan ng malaking halaga ang pagsupil sa rebelyon ng mga Moro. Mula sa badyet ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong 1972na  P 0.9 bilyon ay tumaas ito hanggang P 6.9 bilyon noong 1976.[39]

Mga Reporma at Programang Ipinatupad ni Marcos

            Maliban sa paggamit ng military upang supilin ang rebelyon sa Mindanao, nagpatupad rin ng mga reporma at programa ang pamahalaang Marcos upang suyuin ang mga Moro na manumbalik sa kamay ng pamahalaan. Noong Agosto 13, 1973, ipinalabas ni Pangulong Marcos ang Memorandum Order no. 370 na bumubuo ng isang research staff,  para sa kodipikasyon ng mga batas pang-Muslim ng Pilipinas, sa ilalim ng Presidential Task Force for the Reconsideration and Development of Mindanao.

            Sa ilalim ng MO 370, ang Research Staff ay naatasang:

1.      to survey, collect and gather materials on Muslim laws from all available sources with particular emphasis on current Philippine laws affected by Islamic laws;

2.      To collect and reconcile Philippine laws with Muslim laws; and finally

3.      To prepare a preliminary draft of the proposed Code of Philippine Muslim Laws (Shari’ah, Figh, Adat, etc.) and its implementing agencies.

 

Noong Disyembre 23, 1974, ipinalabas naman ni Pangulong Marcos ang Executive Order no. 442, na nagatatag ng isang komisyon upang pag-aralan ang panukalang kodigo ng mga batang pang-Muslim na inihain ng Research Staff na itinatag ng MO 370. ang komisyon ay kinabibilangan nina Dr. Cesar Adib Majul, Dekano ng Instititute of Islamic Studies-Unibersidad ng Pilipinas bilang Chairman; Dr. Agapito Cruz bilang Vice Chairman; Atty. Ide Tillah, Justice Ramon Nolasco, Prof. Esteban Bautista, Obispo Bienvenido Tudtud, Mamintal Tamano, Saaduddin Alauya, Ustadh Ibrahim Ghazali, Ustadh Ali Abdulazzis, at Michael Mastura bilang mga kasapi.  Makalipas ang walong buwan ng pag-aaral sa panukalang kodigo, ni-rekomenda ng komisyon ang kagyat na pagsasabatas ng naturang kodigo; pagtatalaga ng mga huwes na may kaalaman sa Shari’ah law sa mga korte de apelasyon, at ang pagkakaroon ng katangi-tanging Rules of Procedures sa mga Shari’ah District Courts at Shari’ah Circuit Courts. Noong Pebrero 6, 1977, isinabatas ni Pangulong Marcos ang kodigo bilang Presidential Decree No. 1083, ang Code of Muslim Personal Laws of the Philippines o Muslim Code.

  Noong 1973, limang bagong lalawigang ang binuo ni Pangulong Marcos: ang Sultan Kudarat, North Cotabato,[40] Maguindanao (sa bisa ng PD no. 431 noong Nobyembre 22, 1973, Basilan ( sa bisa ng PD no. 356 noong Disyembre 27, 1973), at ang Tawi-Tawi.

Gumugol din ang pamahalaan sa mga proyektong pang-inprstraktura sa Mindanao tulad ng pagpapagawa ng mga kalsadam tulay, paaralan, mosque at iba pa. Pinasinayaan din ng pamahalaan ang pagtatayo ng isang mosque sa Maynila, ang Golden Mosque sa Quiapo.

Ang Kasunduan sa Tripoli

            Matapos ang matagumpay na pagdalaw ni Unang Ginang Imelda Romualdez-Marcos sa Tsina at mga bansang Sosyalista, ipinada naman ni Pangulong Marcos ang una para sa isang opisyal na pagdalaw upang kausapin si Pangulong Muamar Al Qathafi.[41] Si Al Qathafi ay isa sa mga pangunahing nagbibigay ng tulong panamalapi at armas sa kilusang MNLF.

Ang usapan sa pagitan ng Unang Ginang at ni  Qathafi ay nagtagal ng apat na araw mula Nobyembre 14 hanggang 18, 1976 at  nagbunga sa paglalagda ng isang “joint communiqué” sa pagtatag ng ugnayang diplomatiko, mga kasunduang pangkabuhayan at cultural sa pagitan ng Pilipinas at Libya, at ang pinakamahalaga sa lahat: ang pagdadaos ng isang pagpupulong sa Tripoli, sa ilalim ng auspicio ng Organization of Islamic Conference,  sa Disyembre 15, 1976 upang lutasin ang kaguluhan sa Mindanao.

Ang pagpupulong sa Tripoli ay nagtagal ng walong araw mula Disyembre 15 hanggang 23, 1976. Pinamunuan ito ni Dr, Ali Abdusallam Treki[42] at dinaluhan nina Carmelo Barbero, Undersecretary for Civil Relations ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa; Nur Misuari, lider ng MNLF; at ng mga kinatawan ng Quadripartite Ministerial Commission: Amb. Salah Abdalla El-Fadl ng Saudi Arabia; Abubakar Othman Si ng Senegal; at Bazi Mohamed Sufi ng Somalia. Nagbunga ang pagpupulong sa isang kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng Moro National Liberation Front (MNLF), ang Tripoli Agreement.

Ang mahahalagang probisyong nakapaloob sa Tripoli Agreement ay ang mga sumusunod:

1.      Pagtatag ng autonomiya sa mga lugar na sumusunod: Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, North Cotabato, Maguindanao, Sultan Kudarat, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Davao del Sur, South Cotabato, at Palawan;

2.      Sa lugar ng Autonomous Region, ang mga Muslim ay binibigyan ng karapatan magtayo ng kanilang sariling hukuman na magpapatupad ng batas Shari’ah;

3.      Ang Autonomous Region ay may karapatan na magtayo ng mga paaralan, kolehiyo at pamantasan;

4.      Maaring pairalin ng Autonomous Region ang kanilang sariling sistemang administratibo, pangkabuhayan at pananalapi;

5.      Ang mga awtoridad ng Autonomous Region ay may karapatan na katawanin at lumahok sa pambansang pamahalaan;

6.      Pagtatag ng isang Special Security Force;

7.      Pagbubuo ng isang Sangguniang Tagapagbatas at Sangguniang Tagapagpaganap sa Autonomous Region; at

8.      Pagde-deklara ng cease-fire at pagtatag ng isang Joint Committee  na binubuo ng dalawang panig (ang pamahalaan at ng MILF) sa tulong ng Organization of Islamic Conference na kakatawanin ng Quadripartite Ministerial Commission  para subaybayan ang maayos na pagpapatupad ng cease-fire.

Ang Tripoli Agreement ay mahigpit na tinutulan ng noo’y Kalihim ng Tanggulang Pambansa na si Juan Ponce Enrile dahil sa panganib na ihiwalay nito  ang Mindanao sa bansa at sa paglabag nito sa Saligang Batas:

When the copy of the Tripoli Agreement was handed to us- I was given a copy beforehand by my undersecretary, Carmelo Barbero – I studied it and I have formed an opinion against the Tripoli Agreement because of my belief, as I held then and still hold now, that the Tripoli Agreement was, in effect, an effort to carve out not an autonomous region of Muslim Mindanao but a new independent state to be taken out of the Republic of the Philippines, the territory of which will run from Palawan in the west all the way to Davao Gulf in the ease and a portion of the mainland of Mindanao.

 

Apart from the breadth of this territory that was going to be converted into what is known as an area of the “autonomy,” Mr. President, I pointed out to President Marcos that this is a nascent beginning of a state. It is a sovereign state in the making because the Tripoli Agreement called for the creation of an autonomous area in Southern Philippines with its own government, a legislative and an executive council with the power to enact its laws and with a security force independent of the military organization of the Republic, with a language of its own based on Arabic, with an authority over the immense resources of this area that was defined as the area of the “autonomy.” The only link left between this autonomous area and the Republic of the Philippines, as I recall it, would be the authority of the government of the Philippines over foreign affairs and its, what we call “competence” in matters of national defense.


            Because of this, I argued with President Marcos in that Cabinet meeting in January of 1977 that it will be foolhardy of him as President, and it will constitute a culpable violation of the Constitution for him to authorize or accept the creation of such autonomy without amending the Constitution of the Republic of the Philippines in order to allow it.
[43]

 

Nabahala si Pangulong Marcos sa maaring masamang idulot ng kasunduan sa bansa kaya kaagad siyang nagpadala ng delegasyon upang maiparating kay Pangulong Qathafi ang pagkabahala ng pamahalaan. Ang delegasyon pinamumunuan ni Unang Ginang bilang Chairman, Kalihim Juan Ponce Enrile bilang  Vice Chairman,  at ang Kalihim ng Katarungan na si Estelito Mendoza. Kasama rin sa delegasyon sina Hen. Fidel V. Ramos,[44] Maj. Gen. Rafael Sagala,[45] Rear Admiral Hilario Ruiz ng Hukbong Dagat, at Maj. Gen. Jose Rancudo ng Hukbong Panghipapawid. Ipinaliwanag ng delegasyon kay Pangulong Qathafi na maaring hindi maitupad ang kuwestiyonableng probisyon ng kasunduan maliban na lamang kung sususugan ang Saligang Batas o kung magdaraos ng isang plebisito upang hinggin ang  pagkatig ng mga tao na mapapailalim sa Autonomous Region. Noong Marso 17-18, 1977 nagkasundo si Pangulong Marcos at Pangulong Qathafi sa pagdaraos ng plebisito. Alinsunod sa naturang kasunduan, ipinalabas ni Pangulong Marcos ang Proklamasyon Blg. 1628 na naghahayag ng pagsasarili  sa labintatlong lalawigan sa Mindanao.

Noong Pebrero 14, 1977 isinabatas ni Pangulong Marcos ang Presidential Decree no. 1092, na sinusugan ng Presidential Decree no. 1111, na nagtatakda ng pagdaraos ng isang plebisito-reperendum sa Abril 17, 1977 sa labintatlong lalawigan na sasakupin ng panukalang Autonomous Region.

Sa plebisito-reperendum na idinaos ng araw na nabanggit, sampung katanungan ang itinanong na humihingi ng pagkatig o pagtutol sa panukalang pagsasarili ng rehiyon. Ang mga katanungan na ipinasagot sa mga botante, ay mga sumusunod:[46]

1.      There is a proposal that these 13 provinces will be finally organized into a single region of the autonomy. Do you approve such a proposal?

 

2.      There is a proposal that the administrative system in the area of the autonomy will be ruled or controlled by the Moro National Liberation Front with full and complete authority. Do you approve such a proposal?

 

 

3.      There is a proposal that the region of the autonomy will have its own flag, official language and seal separate and distinct from the flag, national language and seal of the National Government. Do you approve such a proposal?

 

4.      There is a proposal that the region of the autonomy be called autonomous Bangsamoro Islamic Region and the inhabitants thereof, the Bangsamoro. Do you approve such a proposal?

 

 

5.      There is a proposal that the region of the autonomy shall have its own Court of Appeals and Supreme Court to be created by the Government of the region of the autonomy. Do you approve such a proposal?

 

6.      There is a proposal to grant to the region of the autonomy the power of general legislation including taxation similar to that of the national assembly of the National Government. Do you approve such a proposal?

 

 

7.      There is a proposal to empower the MNLF to organize and utilize in the region of the autonomy a security force to maintain peace and order separate from the outside of the supervision and control of the Armed forces of the Philippine, the Integrated National Police or any other office or offices of the National Government. Do you approve such a proposal?

 

8.      There is a proposal that the Executive Council of the region of the autonomy shall be headed by a chief minister and a deputy chief minister to be elected by the regional legislative assembly with the concurrence of the central committee of the MNLF and who shall be the commander-in chief of the regional security force with the power to organize, control and supervise its operations and activities. Do you approve such a proposal?

 

9.      There is a proposal that the accounts of the region of the autonomy shall be audited only by a regional commission and not by the National Commission on Audit, as provided by the Philippine Constitution. Do you approve such a proposal?

 

Ang siyam na katanungan ay tinutulan ng nakakaraming botante, samantala sa botong 2, 499, 375 laban sa 65, 612, kinatigan naman nila ang ika-sampung katanungan:

10.  There is proposal that the Administrative system in the region of the autonomy shall be under the general supervision and control of the National Government of the Philippines through its appropriate instrumentalities as provided for in the proposal of the Batasang Bayan adopted in its special session last 14 February 1977 which includes the creation of a regional assembly with members elected by qualified voters of the region and an executive council to be chosen by the regional assembly who may or may not be members of the said assembly. Do you approve such a proposal?

 

Noong Mayo 7, 1977 ipinoroklama, sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1628-A,  ni Pangulong Marcos ang pagtanggap ang pagpapatupad ng resulta ng plebisito. Alinsunod sa naturang proklamasyon, inakda naman noong Marso 23, 1979 ang Batas Pambansa Blg. 20[47] na nagtatakda sa pagdaraos ng isang halalan para sa mga kinatawan ng Sangguniang Pampook sa dalawang rehiyon na nagsasarili, ang Rehiyon IX at XII, sa Mayo 7, 1979. Sa naturang halalan, nahalal si M. Ali Dimaporo bilang Gobernador ng nagsa-sariling rehiyon sa Mindanao.

Noong Hulyo 25, 1979, isinabatas naman ni Pangulong Marcos ang Presidential Decree no. 1618, na nagbibigay ng kapangyarihan sa pamahalaang nagsasarili na mag-akda ng mga batas na naayon sa kaugalian ng mga nasasakupan,[48] pagbubuwis at pangangalap ng pagkakakitaan,[49] pagtatayo, pangangalaga at pamamahala sa mga paaralan, ospital at iba pang mga pasilidad sa mga rehiyong nagsasarili.[50]

Sa kabilang dako, hindi tinanggap ng MNLF ang naging resulta ng plebisito at kanilang pinagpatuloy ang paglaban sa pamahalaan.

 

Pambansang Rekonsilasyon sa Ilalim ng Pangasiwaang Aquino.

Matapos pabagsakin ng Edsa People Power Revolution noong Pebrero 25, 1986 ang pamahalaang Marcos, humalili sa kanya si Pangulong Corazon C. Aquino. Upang maisaayos ang kalagayang pangkapayapaan sa bansa, inilunsad ni Pangulong Aquino ang patakarang Pambansang Rekonsilasyon. Pinalaya niya ang mga “political detainees” sa ilalim ng pamahalaang Marcos, kabilang sa mga napalaya ay si G. Jose Maria Sison- lider ng CPP-NPA. Sinuyo  rin niya si Nur Misuari na magbalik-loob sa pamahalaan ng dalawin ni Pangulong Aquino ang huli sa Sulu noong 1986.

Noong Pebrero 28, 1987, inihayag ni Pangulong Aquino sa bisa ng Proklamasyon Blg. 80 ang paggagawad ng amnestiya sa mga rebeldeng magbabalik-loob sa pamahalaan:

…. declare and proclaim full and complete amnesty in favor of all persons who have or may have committed any act penalized under existing laws in the furtherance of their political beliefs, are who not being in the custody of or charged by or undergoing investigation.

 

Alinsunod sa naturang proklamasyon, binuo ni Pangulong Aquino ang National Reconciliation Development Council upang tulungan ang mga nagbalik-loob sa pamahalaang na makapagbagong –buhay.

            Sa kabilang dako, binabalangkas naman ng Constitutional Commission (Con-Com) ang bagong Saligang Batas na papalit sa 1973 Constitution. Tinalakay ng naturang komisyon ang pagpapalakas sa sistemang awtonomiya bilang lunas sa sa kaguluhan sa Mindanao. Ayon kay Komisyoner Blas Ople:[51]

 

            The Muslim-Filipinos in Mindanao have fought for hundred of years to preserve their independence and their identity from the colonial power. More recently, they precipitated a civil war in Mindanao which has already caused an estimated 100,000 lives, including the lives of noncombatant women and children. The hostilities fortunately were suspended in 1976 as a result of the Tripoli Cease-fire Agreement. But this dormant war may act up all over again with all its renewed fury if no understanding is reached between the Moro National Liberation Front and the Aquino government…

 

            The Constitutional Commission is, therefore, presented with one of the rarest opportunities, perhaps unrepeatable, to seal the permanent unity of these two regions with the rest of us, with the rest of the republic by granting them autonomous status as proposed in this draft Article within the larger sovereignty of the Republic of the Philippines… It reserves very clearly certain powers that only the national government may exercise including those dealing with foreign affairs, national defense, post, telegraph and communication and even the guidelines of economic policy, and where there is security force, the supervision of the Armed Forces of the Philippines, and the control of the President of the Philippines.

 

            It calls on Congress to enact the organic acts for two regions – Mindanao and the Cordillera – within one year from the election of its members. So, this is an assignment with a deadline to ensure that there will be results. The approval of this provision will immediately raise hopes, morale and faith in the nation of the millions of our brother Filipinos involved in these regions and will be a major contribution to peace in our land, in our time.

 

            Noong Oktubre 15, 1986 kinatigan ng nakakaraming kasapi ng Con-Com ang balangkas ng bagong Saligang Batas at noong Pebrero 2, 1987, niratipikahan ito ng nakakaraming botante sa isang pleboisitong idinaos.

            Ang mahahalang probisyon ng 1987 Saligang Batas patungkol sa rehiyong awtonomus, ay ang mga sumusunod:

1.      paglikha ng rehiyong autonomus sa Muslim Mindanao at sa cordillera na binubuo ng mga lalawigan, mga lungsod at bayan , at may mga lawak heograpiko na may panlahat at namumukod na manang kasaysayan at kalinangan , mga istrakturang pangkabuhayan at panlipunan;[52]

2.      Ang Pangulo ay may pangkalahatang superbisyon sa mga rehiyong awtonomus;[53] at

3.      Inatasan ang Kongreso na magpatibay ng isang batayang batas (organic act) para sa mga rehiyong awtonomus.[54]

 

Alinsunod sa probisyon ng Saligang Batas, pinagtibay ng Kongreso ang Republic Act No. 6734 o   ang Organic Act For the Autonomous Region in Muslim Mindanao noong Hunyo 8, 1989. Isinabatas naman ito ni Pangulong Aquino noong Agosto 1, 1989. Tinatadhana sa naturang batayang batay ang mga sumusunod na kapangyarihan ng rehiyong awtonomus:[55]

1.      Organisasyong pampangasiwaan;

2.      palikha ng mapagkukunanan ng mapagkakakitaan;

3.      mga manang lupain at mga likas na kayamanan;

4.      mga ugnayang personal , pampamilya at pang-ari-arian;

5.      Panrehiyong pagpaplano para sa pagpaunlad  urban at rural;

6.      Pagpapaunlad na pangkabuhayn , panlipunan at panturismo;

7.      mga patakarang pang-edukasyon;

8.      Pangangalaga at pagpapaunlad sa manang kalinangan; at

9.      mga iba pang bagay-bagay  na maaring ipahintulot ng batas para sa pagtataguyod ng kalinangang panlahat ng mga mamayan sa rehiyon.

 Noong Nobyembre 19, 1989 idinaos ang isang plebisito sa labintatlong lalawigan sa Mindanao upang aprubahan ang naturang batayang batas ngunit sa labintatlong lalawigan apat lamang rito ang sumang-ayon na mapasailalim sa Autonomous Region in Muslim Mindanao : ang Sulu, Tawi-Tawi, Lanao del Sur at Maguindanao.

 

Kapayapaan, Tugon ng Pangasiwaang Ramos

            Malaking suliranin ang hinarap ng Pangulong Fidel Ramos ng siya ay simulang manungkulan: enerhiya, pangkabuhayan, talamak ng korupsiyon, at ang pinakamalubha sa lahat, ang kapayapaan at katiwasayan ng bansa.

            Upang masisakatupan ang panunumbalik ng kapayapaan at katiwasayan ng bansa, inilunsad niya ang Oplan Paglalansag upang buwagin ang mga private armies at samsamin ang mga hindi lisensyadong armas.

            Itinatag ni Pangulong Ramos ang National Unification Commission sa ilalim ng pamumuno ni Chairperson Haydee Yorac upang ipatupad ang programang amnestiya ng pamahalaan sa mga rebeldeng gusting magbalik-loob sa pamahalaan at makipag-usap din sa mga pamunuan ng mga rebeldeng kilusan.

            Noong Oktubre 1993 sa tulong ng pamahalaang Indonesya at ng OIC, sinimulan ang panibagong pag-uusap sa pagitan ng pamahalaan at ng grupong MNLF sa Jakarta. Tumagal ang usapan ng apat na taon nagbunga sa isang kasunduan ang Jakarta Peace Accord.

            Ang sumusunod ay mga mahahalagang probisyon ng naturang kasunduan:

1.      Pagbubuo, sa pamamagitan ng isang kautusang tagapagpaganap, ng Southern Philippine Council for Peace and Development (SPCPD) at ng Special Zone of Peace and Development[56]

2.      Sa loob ng tatlong taon makaraan mabuo ang SPCPD at SZOPAD, sisimulan ang pagsanib ng mga kasapi ng MNLF sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas at sa Pambansang Pulisya ng Pilipinas;

3.      Pagsusog o pagsasawalang-bisa sa RA 6734 (ang Organic Act ng ARMM), na papalitan ng panibagong batayang batas;

4.      Pagpapalawak ng sakop ng ARMM;

5.      Pagtatalaga ng kahit isang Muslim bilang Huwes sa Kataas-taasang Hukuman at dalawa naman sa Court of Appeals.

6.      Pagtatalaga ng mga Muslim sa mga kagawaran at tanggapan ng pamahalaan, kabilang na ang Government-owned and controlled corporations;

7.      Pagtatayo ng Shari’sh courts na naayon sa mga umiiral na batas.

Noong Setyembre 9, 1996, idinaos ang isang halalan sa ARMM at nanalong bilang gobernador si Nur Misuari.

Bagama’t matagumpay ang usapan sa pagitan ng pamahalaan at ng kilusang MNLF, hindi ditto nagtapos ang kaguluhan sa Mindanao. Patuloy na nakipaglaban sa pamahalaan ang isa pang kilusan na tumiwalag sa MNLF, ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na pinamumunuan ni Hashim Salamat. Karagdagan dito ang terorismo ng Abu Sayaff.

 

Pangasiwaang Estrada at Arroyo

            Sa ilalim ng pangasiwaan ni Pangulong Joseph Ejercito Estrada naging prayoridad ang pagpapaunlad sa Mindanao upang ito ay maging food basket ng bansa. Upang maisakatuparan ito, ipinatupad ni Pangulong Estrada ang mga proyektong pang-inprastraktura tulad ng elektripikasyon, pagpapagawa at pagsasaayos ng mga kalsadaat mga tulay at pagpapatayo ng mga export processing zones. Sa kasamaang palad, hindi ito naisakatuparan ni Pangulong Estrad at bagkus ay lalong nalugmok sa kahirapan at ibayong kaguluhan ang ilang bahagi ng Mindanao dahil sa mga sulirang pangkapayapaan at terorismo. Ang “all-out war” na ipinatupad ng pamahalaan laban sa MILF ay nagdulot ng pagkasawi ng mga sibilyan, lalung-lalo na sa Maguindanao, pagbagsak ng piso at ng stock market. Maraming dayuhang negosyante ang umiwas na maglagak ng puhunan sa bansa. Dagdag pa sa suliranin ng bansa ang terorismong inihahasik ng grupong Abu Sayaff.

            Ang walang katapusang kaguluhan, dagdag pa ang mga eskandalong kinasasangkutan ng Pangulo, bumagsak ang pangasiwaang Estrada noong Enero 21, 2001 bunga ng People Power II.[57]  Siya ay hinalinhan ni Gng. Gloria Macapagal-Arroyo.

            Noong Mayo, 2002,ginulantang ang bansa ng muling maghasik ng terorismo ang grupong Abu Sayaff nang dukutin nito ang may labing-pitong bihag, kabilang na ang tatlong Amerikano na sina Guillermo Sobero at ang mag-asawang Martin at Gracia Burnham.[58]

            Tinugunan ng Pangulo ang suliraning ito nang payagan nito na idaos ang RP-US Balikatan exercise sa Basilan at paglagda ng isang kasunduan sa Malaysia at Indonesya upang supilin ang banta ng terorismong hasik ng mga grupongAbu Sayaff at Jemaah Islamiyah sa rehiyon.

Konklusyon

[ Sa kasamaang palad, nabura ang files ng konklusyon]

 

 

 


 

[1]Turner, Lulu Respall & Mark Turner, “Introduction: Images of Mindanao,” sa Mindanao: Land of unfulfilled promise. (Quezon City: New Day Publishers, 1992), pahina 1-6.

[2]Nasa aklat rin na Mindanao: Land of Unfulfilled Promise, pahina 14-19.

[3] Philippine Regional Profile: Mindanao, pp. 60

[4] Philippine Regional Profile: Mindanao pp. 65

[5] Philippine Regional Profiles pp 69

[6] Philippine Regional Profiles: Mindanao pp 74

[7] Ibon Philippines Profile ARMM

[8] Ibon Philippines Profile Northern Mindanao

[9]May, R.J., “The Wild West in the South,” sa Mindanao: Land of Unfulfilled Promise. (Quezon City: New Day Publishers, 1992), pahina 128-141. 

 

[10]  Muslim, Macapado Abaton. The Moro Armed Struggle in the Philippines: the Nonviolent Autonomy Alternative. Marawi City: Office of the President and College of the Public Affairs, Mindanao State University, 1994.p.90

[11] Magno, Alexander. A Nation Reborn. Vol.9 of Kasaysayan: The Story of the Filipino People. Mandaluyong: Asia Publishing Company Limited, 1998.p.216

[12] Kamlian p.17

[13] Gloria at Vitug p.4

[14] Muslim p.92

[15] Magno p.216

[16] Ibid,p.220

                [17] Kamlian p.19-20

                [18] Gloria at Vitug p.46

                [19] Marcos p.62

[20] Daroy, de Dios, Tirol p.67

[21] Marcos p.237

[22] Gloria at Vitug p.30

[23] Daroy, de Dios, Tirol p.68

                [24] Ibid, p.68

[25] Diaz p.56

[26] Magno p.225

[27] Magno p.228

[28] Ibid

[29] Ibid

[30] Feira p. 10-11

[31] Feira p.9

[32] Magno p.233

[33] Feira p.9

[34]Buss, Claude.”The Communist Insurgency – the NPA.” Philippine Free Press, 80 (July

23, 1988),  p.51

[35] Ibid,  p.53

[36]Ang mga tala ay mula sa ulat ni Leila B. Salaverria sa Philippine Daily Inquirer noong ika-10 ng Marso 2004.

[37]Ang Muslim Mindanao ay binubuo ng mga lalawigan ng Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, North Cotabato, Maguindanao, Sultan Kudarat, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Davao del Sur, South Cotabato, at Palawan.

[38] Ferdinand E. Marcos, Five Years of the New Society, Manila: Marcos Foundation, Inc., 1978, p. 15-16

[40] Ang North Cotabato ay  pinanagalanang Cotabato noong Marso 10, 1984 sa bisa ng Batas Pambansa Blg. 660

[41] Naisakatuparan ang pagbisita ng Unang Ginang ng ipanukala ni Qathafi sa isang pagpupulong ng Non-Alligned Movement sa Colombo, Sri Lanka, na dalawin ng mga Marcoses ang Libya. “Self Rule: Can It Succeed?” Asia week, April 29, 1977, p. 14.

[42] Si Dr. Ali Abdusallam Treki ay ang Ministro ng Ugnayang Panlabas ng Libyan Arab Jamahiriya.

[43] Question of Privilege of Senator Enrile, July 25, 1996. Record of the Senate vol. 1 no. 3, p. 90-91

[44] Si Fidel Ramos ay ang hepe ng Philippine Constabulary noong panahon na iyon.

[45] Si Rafael Sagala ay ang hepe ng Pambansang Katihan (Philippine Army)

 

[46] Presidential Decree No. 1111, Sec. 2. See 73 Official Gazette 5118.

[47] An Act Providing for the Organization of the Sangguniang Pampook in Each of Regions Nine and Twelve, Providing Funds Therefor, and For Other Purposes.  See 75 O.G. 3279

[48] PD. 1618, Sec. 7 (1),(9), at(10)

[49] ibid, (6)

[50] Ibid, (7) at (8)

[51] III Records of the Constitutional Commission 173

[52] Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, Artikulo X, Sek. 15

[53] Ibid, Sek. 16

[54] Ibid, Sek 18-19

[55] Ibid, Sek. 20 /Republic Act 6734, Artikulo V, Sek 2.

[56] Sumasakop ang SPCPD at SZOPAD sa labing-apat na lalawigan: Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Zamboanga del Sur. Zamboanga del Norte, North Cotabato, Maguindanao, Sultan Kudarat Lanao del Norte, Lanao del Sur, Davao del Sur, South Cotabato. Sarangani at Palawan; at siyam na lungsod: Cotabato, Dapitan, Dipolog, General Santos, lligan, Marawi, Pagadian, Zamboanga and Puerto Princesa.

[57] Sa desisyon ng Korte Suprema sa Estrada vs. Desierto, kinilala nitong lehitimo ang pagkaluklok kay Gng. Gloria Macapagal-Arroyo bilang Pangulo ng Pilipinas noong Enero 21, 2001 nang “magbitiw” si Pangulong Estrada bunga ng People Power II.

               [58] Pinaslang ng mga Abu Sayaff si Guillermo Sobero sa pamamagitan ng pagpugot sa ulo nito noong Hunyo 12, 2002 bilang handog nila kay Pangulong Arroyo sa paggunita sa Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas. Si Martin Burnham ay napaslang naman sa sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at grupong Abu Sayaff. Para sa kagdagang impormasyon, basahin ang Gracia, Burnham “In the Presence of My Enemies,” Tyndale House, Wheaton, Illinois, 2003.