Palengke, Ang Mga Pamilihan sa Maynila noong Ika-19 na Siglo: Isang Paglalarawan
Ang papel na ito ay isinumite ni Jose Angelito Angeles noong Abril 2005 para sa ikakukumpleto ng mga kinakailangan sa Kasaysayan 110 (Kolonyal na Pilipinas I)
PANIMULA
Nakasumpong
na ba kayo ng isang pamayanang walang palengke? Karaniwan nating masusumpungan
ang palengke na nasa poblasyon ng isang lalawigan o sa mga central business
district ng isang lungsod. Dito natin makikita ang iba't-ibang uri ng tao- bata,
matanda, mahirap, mayaman, may ngipin o wala kahit sino pumupunta rito. Kung
ang iba ay pwedeng ipagpaliban ang pagpunta sa simbahan o mamasyal sa plaza o
malls, masasabing ang pagtungo sa palengke ay hindi maaring makalimutan dhahil
dito kinukuha ang pangaraw-araw na pangangailangan sa pagkain.
Pag-aaralan ng
mananaliksik ang mga pamilihan sa Maynila noong ika-19 na siglo bilang salamin o
palatandaan sa mga pagbabago sa daloy ng komersyo sa panahong nabanggit.
Sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa dahon ng kasaysayan, susuriin ng
mananaliksik kung anu-ano ang mga produktong tinitinda sa pamilihan, kung saan
ito nanggaling, mga paraan sa pagbibiyahe nito, mga sistema sa pagtitimbang at
sukatan;at halaga ng bilihin,.
METODOLOHIYA
Hindi magiging possible ang papel na ito kung walang mapagkukunang mga batis
tungkol sa paksa. Ang mananaliksik ay may mga paraang ginamit sa pagkalap ng mga
datos.
Gumamit ang mananaliksik ng mga pangunahing batis at aklat. Halimbawa nito ay
ang mga sumusunod: mga tala sa paglalakbay nina Robert MacMicking, Charles
Wilkes, at iba pa.; Census of the Philippine Islands (1903); The Philippine
Islands; at iba pa.
Sa pagkalap ng mga kinakailangang mga batis, nagtungo ang mananaliksik sa mga
sumusunod na aklatan at tanggapan: Pampublikong Aklatan ng Maynila, Ang
Pambansang Aklatan , Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas - Diliman, at sa
Aklatan ng Kolehiyo ng Sining at Agham, Unibersidad ng Pilipinas- Maynila.
MGA PAMILIHAN SA MAYNILA
Sa kasalukuyan, may labinganim na pamilihang bayan sa Maynila, kabilang na
tatlong pamilihang makasaysayan ? ang Divisoria na nasa San Nicolas, Aranque sa
Calle Azcarraga (na ngayo'y Claro M. Recto Avenue) at ang Pamilihang Bayan ng
Quinta na malapit sa Tulay ng Colgante (na ngayo'y Quezon Bridge). Ang iba pang
kilalang pamilihang bayan sa Maynila ay ang mga sumusunod: Sta Ana Market,
Trabajo, Dagonoy, Pritil, Sampaloc, San Andres, at ang Paco Market.
ANG MGA PAMILIHAN BAGO ANG IKA- 19 NA SIGLO
Ang Mga Pamilihan Bago Dumating ang mga
Kastila
Ayon sa mga tala ni Chao Ju-Kua ang mga pamilihan noong mga sinaunang pamayanan
ay karaniwang masusumpungan sa mga pampang ng dagat o ilog. Isinalarawan niya
ang bikas ng pamilihan maging ang pamaraan ng pagpapalitan ng mga kalakal:
When [Chinese] merchantmen arrive at that port they cast anchor at a place
[called] the place of Mandarins. That place serves them as a market, or site
where the products of their countries are exchanged. When a vessel has entered
into the port [its captain] offers presents consisting of white parasols and
umbrellas which serve them for daily use. The traders are obliged to observe
these civilities in order to be able to count on the favor of those gentlemen.
In order to trade, the savage traders are assembles and have the goods carried
in baskets, and although the bearers are often unknown, none of the goods are
ever lost or stolen. The savage traders transport these goods to the other
islands, and thus eight or nine months pass until they have obtained other goods
of value equivalent to those that have been received [from the Chinese]. This
forces the traders of the vessel to delay their departure, and hence it happens
that the vessels that maintain trade with Ma-yi are the ones that take the
longest to return to their country [China].
Ang pampang ng Look ng Maynila at Ilog Pasig ang nagsilbing pamilihan ng mga
sinaunang pamayanan sa Maynila. Kapansin-pansin na matatagpuan ngayon ang mga
pamayanan ng mga Tsino, ang Chinatown, malapit sa tabing-ilog ng Pasig.
Pagdating ng mga Kastila
Nang dumating ang mga Kastila sa kapuluan noong ika-16 na siglo, nasumpungan
nila na mayroon ng maunlad na panloob na kalakalan sa pagitan ng mga sinaunang
pamayanan. Ayon kay Morga, barter, ginto, o kampanilyang gawa sa bakal ang
kalimitang ginagamit na midyum sa pagpapalitan ng mga kalakal:
Their customary method of trading was by bartering one thing for another, such
as food, cloth, cattle, fowls, lands, houses, fields, slaves, fishing-grounds,
and palm-trees (both nipa and wild). Sometimes a price intervened, which was
paid in gold, as agreed upon, or in metal bells brought from China. ?. There are
often delays and terms for certain payments, and bondsmen who intervene and bind
themselves, but always with very usurious and excessive profits and interests.
Mga Paghihigpit
Nang dumating ang mga Kastila sa bansa ang ugnayang pangkalakalan sa mga
bayan-bayan ay ipinasailalim sa patakaran ng una na palaganapin ang
Kristiyanismo. Ayon kay Morga, ang mga katutubo ay hindi pinahihintulutang
umalis ng kanilang pamayanan para makipagkalakalan kung walang pahintulot ng
gobernador o ng alcalde-mayor:
Sa isang kautusang ipinalabas ng Real Audencia noong 1599, tinakda ng pamahalaan
ang halaga ng mga manok: dumalaga, inahin, tandang, at capon.; baboy; at isda
TALAAN BLG. 1
Halaga ng Manok na Tinakda ng Real Audencia
(sa real)
Nangingitlog na Manok (Sangley) 2 ½
Inahing Manok (Moro) 2
Tandang 1
Dumalaga 1 ½
Capon 3 ½
Pinagkunan:
Blair and Robertson. The Philippine Islands, Vol. X, p. 306
Noong 1598, nagpalabas ang Real Audencia ng patakaran na sapilitang
pinag-aalaga ang mga bayang nakapalibot sa Maynila [Tondo, Pampanga, Bulacan,
Laguna, Mindoro, Balayan (Batangas)] ng manok para suplayan ang Maynila ng mga
kinakailangan nito.
Ipinag-utos din ng pamahalaan ang pagbabawal sa mga hucksters o middlemen na
makialam sa kalakalang panloob upang maiwasan ang kaguluhan at pagtaas ng halaga
ng bilihin sa mga pamilihan sa Maynila. Sa naturang kautusan, tanging ang mga
magsasaka lamang ang maaring makapagbili ng kanilang mga kalakal sa mga
pamilihan.
Noong 1768,nagpalabas naman ng ordinansa si Gobernador Raon na humihimok sa
bawat Indio na mag-alaga ng kahit labimdalawang inahin at isang tandang.
Sa loob ng mahabang panahon, mula ng dumating ang mga Kastila hanggang sa
pagpasok ng ika-19 na siglo, ang mga patakarang nabanggit ang siyang umiiral sa
bansa.
ANG MGA PAMILIHAN SA MAYNILA NOONG IKA-19 NA SIGLO
Ang Pagpasok ng Ika-19 na Siglo
Maraming
pagbabago ang naganap sa daigdig sa pagpasok ng ika-19 na siglo, lumaganap ang
mga kaisipang liberal nina Locke, Rousseau, at iba pang mga pilosopo matapos ang
matagumpay na Himagsikan sa Pransya noong 1789. Sa mga kolonya ng Espanya,
nakarating din ang mga kaisipang yaon at ito'y nagbunga ng mga himagsikan upang
palayain ang kanilang mga bansa sa pagkakasakop. Nanguna rito ang Mexico sa
pangunguna ni Hidalgo, sinundan naman ito ng Gran Colombia sa pamumuno ni Simon
Bolivar, at nagwakas ito sa Pilipinas noong 1896 sa himagsikang pinamunuan ni
Andres Bonifacio.
Sa larangan ng pangkabuhayan, iwinaksi na ng mga bansang Europeo ang sistemang
merkantilismo at sa halip ay niyakap nila ang sistemang malayang kalakalan o
free trade. Upang makasabay sa agos ng pagbabago, binuksan ng pamahalaang
Espanya ang mga pantalan ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan. Unang
binuksan ang pantalan ng Maynila noong 1834. Sinundan pa ito ng pagbubukas ng
iba pang pantalan: Sual (Pangasinan), Ilo-Ilo, at Zamboanga noong Setyembre
29,1855; at Cebu noong Hulyo 30, 1860.
Sa pagbubukas ng mga pantalan, hinimok ng pamahalaan ang pagtatanim ng mga cash
crops ? tulad ng asukal, tabako, niyog (para gawing copra), abaka, indigo, kape,
atbp.- na may malaking merkado sa ibang bansa. Samantala, maraming mga tao,
karamihan ay mga mestizos, ang umiwan sa kanilang mga negosyo sa pagkakalakal ng
mga manufactured goods sa Maynila dahil sa matinding kompetisyon sa mga Tsino.
Sa halip, sila ay namuhunan sa mga plantasyon at hacienda.
Sa kabilang dako, atin naming tignan ang mga pagbabago sa mga pamilihan sa
Maynila noong ika-19 na siglo.
Ang Mga Pamilihan sa Maynila
Dalawang
palengke ang matunog sa mga mamimili noong ika-19 na siglo: ang Divisoria at ang
Quinta. Paboritong puntahan ng mga Kastila at mga nakakataas sa lipunan ang
Divisoria dahil sa maraming maaring mabili rito: mga alahas, muebles, sapatos,
magagarang damit sa bantog na Calle Escolta, mga masasarap na kainan sa Calle
Rosario at Calle Ongpin. Paborito rin itong puntahan ng mga tindero?tindera ng
mga palengke sa ibang lugar dahil dito nila kinukuha ang kanilang mga kalakal na
kanilang ititinda. Ang Divisoria noon, maging magpasahanggang- ngayon, ay ang
bagasakan ng mga kalakal mula sa iba?tbang lalawigan at mga bansa (kung ating
titignan ang lokasyon ng Divisoria, ito ay malapit lamang sa pantalan ng Maynila).
Ang Divisoria na ang ibig sabihin ay naghihiwalay na linya, ay matatagpuan sa
noo?y mga distrito ng Binondo at San Nicolas. Ang palengke ay nagsimula sa mga
malilit na tindahan sa mga kalye. Isinalarawan ni Visitacion dela Torre ang
palengke ng Divisoria sa kanyang akdang, Landmarks of Manila 1571-1930:
Divisoria is market of all markets. Divisoria began simply as a street around
with an entire marketing district sprang, each street associated with a
particular piece of merchandize.
San Nicolas was once Manila's commercial hub when the galleon trade held sway
for more than 2 ½ centuries. Trade boomed in the small alcaiceria de San
Fernando (raw silk market) built in 1582 and which expanded in the 18th century.
The marketplace was then described to have consisted of an open building
octagonal in shape and surrounded by "roof-supported shafts." As centuries
rolled by, San Nicolas assumed the look of Spanish town with its squat
stonehouses with arched doorways, peopled by Chinese who were later joined by
Filipinos.
Isinalarawan naman ni Robert MacMicking ang maaring mabili sa Binondo:
The Escolta and Rosario, on that side of the river, being the principal streets,
built however without any regard to regularity, so that they are not handsome,
but in them nearly all the best Chinamen's shops are situated. These are in
general very small confined places, though crammed with manufactures, the
produce of Manchester, Glasgow, Birmingham, and of many European and Chinese
manufacturing marts. Some of the shops may also be stuffed with the valuable
piña cloth, huse, and other productions of the native looms.
Dagdag
pa niya, halos kontarolado na ng mga Tsino ang lahat ng uri ng pagnenegosyo sa
Binondo maliban sa iilang mga mestizos at Kastila na nagtitiyaga sa maliit na
tubo o kita. Ang mga Tsino ay kilala sa pagbibili ng kanilang mga produkto sa
mababang halaga.
Noong Enero 20, 1901, sa ilalim na ng pananakop ng mga Amerikano, ipinatayo ang
palagiang gusali ng palengke ng Divisoria at ito ay natapos noong Nobyembre 1,
1901 na ginugulan ng mahigit P 155, 469.50.
Sa kabilang dako, ang palengke naman ng Quinta o country house, ay matatagpuan
naman sa Quiapo, malapit sa basilica ng Poong Nazareno. Ito ay nasa tabi lamang
ng pampang ng Ilog Pasig at ng Fuente de Colgante.
Mga Mabibili sa Palengke at ang
Pinanggagalingan Nito
Gaya ng ibang palengke, karamihan sa mga ibinibili sa mga palengke ng Maynila ay
mga pagkain- isda, karne, gulay, at bigas. Ayon sa mga tala ni MacMicking, ang
palengke raw ng Santa Cruz, mula ika-anim hanggang ika-walo ng umaga at gabi,
ay kakitaan ng maraming tao na namimili ng kanilang pangangailangan sa bahay at
iba pang bagay. Ang isda ang pangunahing pagkaing mabenta dahil ito ang
paboritong kainin ng mga Indios at maging ng mga Kastila. Bukod pa sa paborito
ito ng mga mamimili, ito rin ang pinakasariwa dahil ito ay hinuhuli lamang sa
katabing-ilog, ang Pasig, kung hindi man ay sa kalapit na Look ng Maynila
(Manila Bay). Ayon pa sa paglalarawan ni MacMicking:
The market is well supplied with al descriptions of fish caught in the Pasig or
the bay, most of which are well-tasted; the fishermen of the villages in the
neighborhood being the principal suppliers. A small sort is found in the river,
very much resembling white-bait in taste. Shrimps are also consumed in large
quantities. After the rains there may generally be procured, by those who like
them, frogs, which are taken from the ditch round the walls in great numbers,
and are then fat and in good condition for eating, making a very favourite curry
of some Europeans, their flesh being very tender.
Maliban
sa isda, mabili rin ang mga karne ng baka at baboy, na maaring mabili sa
araw-araw maliban lang sa Biyernes- kung saan ang mga karneng yaon ay nilalaan
sa pangngailangan ng mga inbalido. Ang mga karne ng baboy ay hindi mabili sa
mga Europeo, bagkus ay pinandidirihan nila itong kainin dahil sa hindi
kaaya-ayang pag-aalaga dito ng mga Indios: hinhayaan nilang pagala-gala ang mga
alagang baboy sa mga kalye at masusumpungang namamasura sa mga daan. Bagama't
hindi ito gusto ng mga Europeo, ito naman ay paborito ng mga Tsino at maging ng
mga Filipino.
Ang mga manok at pato ay mabibili ng buhay sa mga palengke, hindi tulad ngayon
na puro dressed chicken o nakakatay na ang mabibili. Paborito itong bilhin ng
mga mamimili lalo na tuwing sa araw ng Linggo para gawing itong ulam na
tinola.
Isang manininda ng prutas
Ang bigas naman ay
mabibili sa mga bazaar, kung saan mabibili rin ang iba?t-ibang uri ng mga
prutas, tulad ng manga, pinya, melon, pipino, lansones, kaymito, kalamansi at
iba pa. Ang mga prutas na yaon ay kalimitang nanggagaling sa mga lalawigan ng
Kabite, Laguna, Morong at sa mga kalapit-bayan ng Maynila
Malaki rin ang pagbabagong idinulot ng pagbubukas ng Maynila sa pandaigdigang kalakalan sa mga kalakal na ipinagbibili sa mga palengke at sa panlasa ng mga Filipino. Maraming mga dayuhang produkto na ang maaring mabili sa mga pamilihan; tulad ng mansanas, ubas, peras at kahel (na galing Tsina), mga patatas (na galing Australya at Tsina), sago (galing Borneo), cochineal (galing Java, Netherlands East Indies), at mga pinggan na galing Tsina.
Maliban sa mga palengke, may kalakalang nagaganap din sa mga kalsada, tulad sa panahong ngayon na madalas nating masumpungan ang mga nagtitinda sa mga bangketa at mga naglalako ng kanilang panindang samalamig, fishball,kikiam, at iba pa. Ayon kay Alfred Marche, sa pagsikat pa lang ng araw ay masusumpungan na sa mga kalsada ang mga lecheras o manlalako ng gatas, mga zacateros, mga manggugupit na Tsino, at mga sorbetero.
TALAAN BLG. 2
HALAGA NG BILIHIN, 1846
(sa Piastre)
Produkto |
Yunit |
Halaga |
Bigas |
Kilo |
0.35 |
Dalag |
Kilo |
0.50 |
Sugpo |
Kilo |
0.30 |
Karne ng Baka |
Kilo |
0.70 |
Karne ng Baboy |
Kilo |
0.90 |
Alak na Val de Peñas |
Isang bote |
1.00 |
Itlog ng Pugo |
Isang dosena |
1.50 |
Patatas |
Isang dosena |
0.16 |
Kamatis |
Isang dosena |
0.23 |
Uling |
Isang kariton |
6.55 |
Chorizo |
0.45 |
PINAGKUNAN;
Jean Mallat. The Philippines: History, Geography, Customs, Agriculture, Industry
and Commerce of the Spanish Colonies in Oceania, p. 114-115
Sa mga mabilis na pagbabagong naganap noong ika-19 na siglo at ang pag-unlad na
dulot nito, lumago ang populasyon ng Maynila noong panahong yaon (Tignan ang
Talaan blg. 3)
TALAAN BLG. 3
POPULASYON NG MAYNILA
(1812- 1845)
Taon Bilang
1812
1,741,034
1815
1,933,331
1817
2,052,992
1818
2,106,386
1829
2,593,287
1833
3,153,290
1840
3,209,077
1845
3,488,258
PINAGKUNAN:
Census of the Philippine Islands, 1903, Vol. I, p. 443.
Pagbibiyahe ng mga Kalakal
May dalawang paraan ang pagbibiyahe ng produkto patungong Maynila noong panahong
yaon. Una, sa pamamagitan ng sasakyang panlupa at pangalawa, ay sa pantubig. May
ilan-ilan naman na nagluluwas ng kanilang produkto sa pamamagitan ng paglalakad
lamang.
Mga Sasakyang Panlupa.
Bago ang ika-19 na siglo, ang kadalasang sinasakyan ng mga tao para iluwas ang
kanilang mga kalakal ay ang mabagal na karitela na hila-hila ng kalabaw. Ngunit
sa pagdaan ng panahon, ipinakilala na rin ng mga Kastila ang mga sasakyang
hila-hila ng kabayo, na higit na mas mabilis kaysa sa karitela. Ang mga
sasakyang ito ay ang mga sumusunod: carromatas, carruajes, at calesa.
Isinalarawan ni Alfred Marche ang bikas ng carromatas at calesa sa mga sumusunod
na tala:
ang carromata
The calesa is a kind of cabriolet topped by a big hood which, lowered in front,
droops fairly low in order to protect passenger against the sun. The bata
(driver) is seated behind , on a small seat, his feat resting on the springs of
the vehicle. When the said hood is thrown backwards and one has rolled it up to
the top and fastened with straps, the leather of which its back is made, the
bata passes his head through the empty space left by the rolling up; he then
resembles the jack-in-the-boxes which are the terror of our little children.
The carromata, which does not resemble any of our European vehicle is decorated
with leather or cloth curtains intended to protect the passenger from the sun
and from the rain; a very low seat is at the back part; it is there the
passenger seat himself, who can easily rest his head upon his knees; the driver
has his seat but usually, he prefers to sit on one of the shafts; the whole is
set on two wheels, with springs of steel or bamboo; and in front, a weak horse
that receives more blow than food.
Lalong napagaan ang pagbibiyahe ng mga mamimili sa palengke ng inagurahan noong
1888 ang tranvia (sasakyang pang-masa na hila-hila ng kabayo). Ang tranvia ay
pinatatakbo ng isang pampribadong kumpanya, ang Compania de Tranvias de
Filipinas. Ngunit ang pinakamalaking pagbabago at nagpabilis sa pagbibiyahe ng
produkto patungong Maynila ay naganap noong Marso 24, 1891 ng buksan na ang
Manila-Dagupan Railway. Binabagtas ng naturang riles ang mga lalawigan ng
Pangasinan, Pampanga, Bulacan, Morong, hanggang sa Istasyon ng Tutuban sa
Maynila- na may ilang metro lamang ang layo sa mga pamilihan ng Divisoria at
Aranque.
Sa kabilang dako, magaganda naman ang lagay ng mga kalsada sa Maynila noong
panahong yaon, maliban na lang sa mga kalapit-bayan nito. Sa paglalarawan ni
Frederick Simpich ng National Geographic nang una siyang dumating sa Pilipinas
noong 1899, bukod sa mga masasamang lagay ng kalsada (sa kalapit bayan ng
Maynila) ay naglipana rin ang mga baboy, manok, aso, karitela, at mga pedestrian
na naglalakad na animo?y parang tulog.
Mga Sasakyang Pantubig. Ang pagbibiyahe
ng mga produktong nangagaling pa sa iba?t-ibang isla ng kapuluan ay ginagamitan
naman ng iba?t-ibang klase ng sasakyang pandagat, tulad ng caracoas, pancos,
galeras, at iba pa. Karamihan sa mga sasakyang ito ay nasa pagmamay-ari ng mga
Filipino at mga Mestizos.
Noong panahong ring yaon, ang pantalan ng Maynila ay walang gaanong pasilidad
para sa paghihimpilan ng malalaking mga sasakyang pandagat kaya marami sa
kanila ang kailangang umangkla pa sa malalayong lugar. Upang maibiyahe ang mga
kalakal patungong Maynila kinakailangan nilang upahan ang serbisyo ng mga
cascos- mga katutubong sasakyang nagsisilbing lighter at tagapagdala ng mga
kargamentong pangkalakal mula sa mga barko patungong pantalan.
Sistema ng Timbangan at Sukatan
Maunlad na ang kalakalan sa Pilipinas ng dumating si Fernão de Magalhães noong
1521. Sa katunayan, namangha siya sa paggamit ng mga katutubo ng hustong
timbangan at panukat.
Ang timbangan noon ay isang lanseta (o tabak) na nakasuspinde sa isang kordon.
Sa isang dulo ng kordon ay isang maliit na korteng palanggana na sinusuportahan
ng tatlong tali, at sa kabilang dulo naman ay ang panimbang .
Samantala, noong panahon ng Kastila, ang mga timbangan ay nakabatay na sa mga
sumusunod: quintal, chinanta, cates, tael at demi-cate.Ang quintal ay katumbas
ng animnapu't anim(66) na kilo, o pitumpu't dalawang (72) cates at labing-apat
na onsa. Ang pickle (pike) ay kayumbas ng isang daang cates. Ang ay isang cate
ay binubuo ng labing-anim na taels, na ang bawat isa ay may katumbas na isa at
2/22 onsa.
Ang bigas at mais naman ay sinusukat sa pamamagitan ng caban, ganta (o salop),
at chupa (o gatang). Ng isang caban o kabang bigas o mais ay katumbas ng 25
salup. Ang isang salup naman ay katumbas ng walong gatang.
Sa mga tindang isda at mga lamang-dagat, tatlong sistema ng sukatan ang umiiral:
Una, ang pagtutuhog- na ginagawa sa mga isdang tulad ng tawilis, hasa-hasa,
danggit, at sapsap; Pangalawa, ang pagkikilo ? sa mga isdang tulad ng bangus,
lapu-lapu, dalag, pusit, sugpo, at iba pa; at Pangatlo, ang pagtatakal- tulad ng
sa mga tahong, talaba, tulya at halaan.
Ang mga gulay naman ay mabibili ng dose-dosena, pira-piraso at kung minsan ay
kinikilo rin.
Ang mga karne ng baka at baboy ay ginagamitan naman ng timbangan. Ang mga manok
ay nabibili naman ng buhay, ngunit ang halaga ng bawat isa ay depende sa uri
nito.
Midyum ng Pagpapalitan ng Produkto
Ang piastre, na kilala sa tawag na piso ng mga Tagalog, ang siyang umiiral na
salapi sa Pilipinas noong panahong yaon. Tulad sa Espanya, ang piastre ay
nahahati sa reales: ang ½ real (saycavalo); 1 real (saycapat); 2 reales
(cahati); 3 reales (tatlong bahagi); 4 reales (salapi0; 6 reales (may calavang
cahati); 7 reales (may calavang talong bahagi) at 8 reales (piastre o piso).
Ayon kay MacMicking, dahil sa kakulungan sa sirkulasyon ng salapi sa bansa noong
panahong yaon nagdulot ito ng kalituhan sa mga mamimili at pagsasamantala sa mga
negosyante:
The copper money in circulation is so scanty as to be perfectly inadequate for
the purpos, and at the time of my leaving Manila, the usual charge for
exchanging a dollar for copper money was a quartillo, or the quarter of a real,
worth about a penny halfpenny of English money.
In consequence of this scarcity, the natives are in the habit of employing
cigars as money, to represent the smaller coins; and all over the Philippines a
cigar is actually the most important circulating medium, each representing a
cuarto.
At various times the scarcity of copper coins has given rise to extensive
forgeries of them, and caused a considerable depreciation in their actual value,
the false coinage being all of spurious metal.
Nagpatuloy ang magulong sistema ng pananalapi sa bansa hanggang sa magtapos ang
pananakop ng mga Kastila sa bansa noong 1898, sa paglalagda ng Tratado sa Paris
na naglilipat ng pamamahala sa bansa sa mga Amerikano. Samantala, nagpalabas
naman ng mga salaping papel ang Unang Republika ng Pilipinas sa mga nasasakupan
nito bilang legal tender sa anumang transaksyon ngunit ito ay pinawalang bisa ng
pamahalaang Estados Unidos ng ganap na nitong nakubkob ang bansa noong 1901. Sa
taong ding yaon, pinaiiral ng pamahalaan ang bagong salapi ng Pilipinas, ang
piso na may katumbas na US$0.50.
KONKLUSYON
Malaki ang pinagbago sa mga pamilihan ng Maynila mula ng buksan ang bansa sa
pandaigdigang kalakalan. Umunlad ang mga negosyo dahil sa marami ng kalakal na
maaring mapagpilian at mabili sa murang halaga, dagdag pa rito ng pagtaas ng
bilang ng mamimili bunga ng paglago ng populasyon.
Nakitaan din ang pagbilis ng pagbibiyahe ng mga produkto dahil sa mga makabakong
sasakyang dinala rito ng mga Kastila ng panahong yaon.
Bagama?t maraming magagandang pagbabago ang nangyari sa panahong ito, maraming
suliranin ang hindi natugunan ng pamahalaan: 1. ang pagbagsak ng mga negosyong
pagmamay-ari ng mga Filipino dahil sa kumpetisyon sa mga Tsino; at 2. ang
magulong sistema ng pananalapi at kawalan ng pamalagiang sistema ng pagtitimbang
at sukatan ng paninda sa pamimili.
MGA SANGGUNIAN
Mga Aklat
Census of the Philippine Islands (1903), Vol. I
Blair and Robertson. The Philippine Islands (1280- 1605), Vol. 34. Cleveland,
Ohio:
The Arthur H. Clark Co., 1903
De Comyn, Tomas. State of the Philippines in 1810. Manila: Filipiniana book
Guild, 1969
Jagor, Feodor. Travels in the Philippines,Manila: Filipiniana Book Guild.
Mallat, Jean. The Philippines: History, Geography, Customs, Agriculture,
Industry and
Commerce Of the Spanish Colonies in the Oceania. Manila: National Historical
Institute, 1983
MacMicking, Robert. Recollections of Manila and the Philippines. Manila:
Filipiniana Book
Guild, 1967
Marche, Alfred. Luzon and Palawan.Manila: Filipiniana Book Guild, _____.
Marcos, Ferdinand E. Tadhana,Manila: by Ferdinand Marcos, 1977
Wilkes, Charles. Travel Account of the Philippines (1832-1858). Manila:
Filipiniana Book
Guild,1974
Zaide, Gregorio. Philippine Political and Cultural History, Vol II. Manila:
______, 1949.
Mga Peryodikal
Hildebrand, J.R.?The Greatest Voyage in the Annals of the Sea,? National
Geographic
Magazine Vol. LXII No. 6. Washington D.C.: National Geographic Society,
December, 1932
Simpich, Frederick. ?What Luzon Means to Uncle Sam,? National Geographic
Magazine Vol.
98 No. 3.Washington, D.C.: National Geographic Society, March 1945
Personal na Pahina ni Jose Angelito Angeles
inapdeyt ika-23 ng Setyembre 2006